AKO NALANG ULIT

11 0 0
                                    

Bakit nga ba pilit kong ibinabalik?
Patuloy ko pang iginigiit
ang nakaraan nating dalawa na hindi na maibabalik.
Hindi ko na mararamdaman ang yakap at matatamis mong halik.

Ako nalang ulit!
Ako nalang ulit yung mahalin mo ,
Ibibigay sayo lahat ng makakaya ko.
Babaguhin ang ugali ko iiwasan gawin muli ang mga maling nagawa ko.
Mahirap man para sa akin
hindi man madali ay aking titiisin.
Mananatiling ikaw parin ang mamahalin.

Ako nalang ulit!
Alam kong mahirap ng ibalik at buoin,
buoin ang ating relasyong nasira dahil sa akin.
Sana'y subukan mo parin,
Sana'y muli mo akong tanggapin,
Pangakong muli kong bubuoin ang tiwala mo sa 'kin.

Baka naman may pag-asa pa ?
May pag-asa pa ang tayong dalawa.
Maaari pa namang ibalik ang saya
Mapawi ang lungkot at palitan ng ligaya.
Na sa pag-dilat ng aking mga mata ika'y nasa tabi ko na.

Mahal kita pero nagkamali ako.
Nasaktan ko ang isang tulad mo,
Tulad mo na nagmamahal lang naman ng tapat at totoo.
Pero anong isinukli ko?
Hapdi at sakit ang natanggap mo.
Hindi ako nakuntento nagsawa ako at naghanap ng bago.
Bumitaw ako sa yakap mo at
sinira ang mga pangako ko.
Saka ko nakita ang halaga mo ngayong wala ka na sa piling ko.

Ngayon ay nasa piling ka na ng iba.
Masaya ka habang nagkukulitan kayong dalawa,
Minamahal mo siya ,
at minamahal ka niya.
Pinapatawa niyo ang isa't-isa
habang ako'y nakatanaw lang mula sa malayo
pinupunasan ang mga luhang tumutulo.
Bumubulong sa sarili ko,
Sinisisi ang sarili ko sa nagawa ko pero huli na ng matauhan ako.

Hindi na ba talaga maibabalik ang dating tayo?
Yung panahon na magkayakap at nagmamahalan pa tayo,
Ipipikit ko na lang ang mga mata ko
Magbabakasakali-
baka pagbigyan pa ako .
Bubulong at hihiling nalang ako
Sana'y ako nalang ulit ang mahalin mo.

POEM POETRYWhere stories live. Discover now