Chapter 4: The Encounter

19.3K 231 15
                                    

EUNIQUE's POV

Napadilat ako sa bigat ng katawan ko.
Masakit talaga buong pagkatao ko!.

"Hays nagising ka din." malumanay na saad ng pamilyar na boses.

Kaya napaupo ako sa gulat!

"Ryle!!"

"Kamusta pakiramdam? Sabi ni Cons nakipag kita ka daw kay Voughn."

Napaka honest talaga ng bestfriend ko!!

Di ako nakasagot.

"Kagabi pa ako nandito inaantay kita nakatulog na nga ako e."

Di maipagkakailang isa si Ryle sa mga mabait na taong nakilala ko. Kasabay ng ugnayan na meron kami ay nabuo na din ang pagkakaibigan namin.

"Sorry." nalang ang nasabi ko.

"Di pa ba ako sapat?"

Kung makapagsalita akala mo may tunay na relasyon kami.

Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya.

"Kulang ba yung cash na binibigay ko? May Credit Card ka na para magamit niyo ni Cons diba?" aniya. Di din ako makasagot.

"Bukod sakin at kay Voughn meron pa bang iba?"

Tinitigan ko siya, Saka bumaba sa kama para uminom ng tubig.

"Inumaga ka na dito, baka magpunta sa condo ang nobya mo." ani ko. Ng naramdamang sumunod siya sa akin.

"Sinabi ko na sayong makuntento ka na sa akin. Kung gusto mo dodoblehin ko ang bigay ko para naman ako lang at tsaka-"

"Ryle!" pag pigil ka sa tuloy tuloy niyang salita,
Gulat siyang napatitig sa akin.

"Kaya ayaw kong sabihin sayo kung san kami nakatira e." malumanay na sabi ko saka uminom ng tubig.

"S-Sorry. Sige uuwi na ako." aniya at saka Lumingon kay Cons na kunwari nanonood ng tv pera halata namang nakikinig sa amin. "Cons, una na ako." sabi niya kay Cons.

"Sige Pre ingat." sagot nito.

Nang makaalis si Ryle, daling lumapit sa akin si Cons,

"Anyare? Bat mo naman ginanon yung tao?"

"Cons naman, bat hinayaan mong magovernight dito si Ryle!?"

"H-Ha? Baket? Eh nagpupumilit sinabi ko namang wala ka-"

"Kahit na!!" inis na sigaw ko.

Napakamot siya sa ulo niya at bumalik sa sofa,

"Hinatid ka nga pala ni Burn Dela Cuesta." maya maya'y sambit niya.

Kaya nilingon ko siya, saka lumapit at naupo rin.

"N-Nakita niya ba si Ryle?" kinakabahang sagot ko.

"Wag kang magalala di sila nagkita,"

Tumango lang ako.

"Magpahinga ka muna, hapon pa naman klase natin e." di na ako sumagot.

Natulog lang ako at ramdam ko ang pananakit ng katawan ko.

Ginising lang ako ni Cons ng paalis na siya,

"Uuna na ko, may ipapasa pa pala ako badtrip." naiinis na aniya.

Natawa naman ako.

"Sige kita nalang tayo sa school, magaayos na din ako. Ingat ka."

-

School.

Pagkababa ko ng taxi ay natanaw ko agad ang isang pamilyar na kotse na yon.

THE CERTIFIED SLUTWhere stories live. Discover now