Chapter 14: Hint from the past

8.7K 155 13
                                    

Dedicated to: AngelicaBenet kachat ko siya habang ginagawa to tong chapter na to. ♡
Thankssss! ♡♡

Eunique~

Lunch na saka ko napagpasyahang tawagan si Burn.

I try to call him several times, pero no one's answering.

Baka nga nasa klase pa.

"Cons, una ka na maglunch aantayin ko si Burn may klase pa ata."

Tumango siya at isinabit ang bag, "Niks, kung seryoso sayo si Burn di niya hahayaang mabully ka dito. Magtiwala ka lang sakanya." aniya at tinap pa ako sa braso.

Nginitian ko siya, "Alam ko yun. Ang akin lang, ayaw kong masira ang pangalan niya ng dahil sa akin."

"Sus, hindi yan. Wag kayo papaapekto, sige na gutom na ako. Kain ka madami." aniya atsaka umakbay sa isang kaklase namin at sumabay na sa paglabas.

Lumabas na din ako ng room at may mga nakatingin pang mga babae at lalaki sa akin, yung mga nakatambay sa hallway.

"Malandi talaga."

"Pati ba naman SC President?"

"Iba ang landi niya to the highest level na!"

At kung ano ano pang masasakit na salita,

Pero bigla akong may narinig na nagpantig ang tenga ko,

"Magkano kaya binayad ni Burn? Haha. Wawa naman si Mr. President, tagal ng walang gf pumatol na sa slut para makaraos!" at sabay sabay pa silang tatlong nagtawanan.

Napahinto ako sa paglakad at hinarap ang tatlong babaeng nagtatawanan.

"Itikom mo yang bibig mo, bumabaho ang paligid e." seryosong sabi ko.

Kusang lumapit sa akin ang babaeng nagsalita kanina,

"Wow ah? Edi itikom mo din yang mga legs mo para naman di ka manga-"

Di niya natapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang sinampal.

Sa gulat niya ay napahawak siya sa pisngi niya at masama ang tingin sa akin.

Sinampal niya ako at biglang itinulak kaya napaupo ako sa sahig.

"Ang lakas ng loob mo Eunique ah? Haha dati rati naman ay wala kang pakealam sa mga sinasabi sayo ngayon lumalaban ka na ah. Bakit? Sure kabang head over heels na sayo si Burn?" tumawa pa ito. "Ha. Wala ng seseryoso sayo. Nakakaawa ka." aniya.

Saka sila nag alisan at tatawa tawang tinatanaw pa ako.

Hindi ako umiyak. Pumikit ako ng mariin at saka kinayang tumayo ng magisa.

Huminga ako ng malalim at saka naglakad na patungong SC Office.

Ininda ko lahat. Pero sa lahat ng ayaw ko ay may nadadamay ng dahil sa akin. Lalo na si Burn.

Pagpasok ko ng office ay si Gian ang nadatnan ko.

"Sorry. Bilin kasi ni Burn dito ako maghintay sakanya." sabi ko at saka naupo.

"Okay lang." aniya. "Inaantay ko din si Burn, pero baka mamaya nalang."

Mahabang katahimikan ang bumalot sa loob ng silid bago siya ulit magsalita.

"Uhm nga pala, pwede ba tayong magkita mamaya? May importante akong sasabihin." aniya.

"Ha? Tungkol saan?"

"Basta. Magugulat ka. At for sure sasaya ka." aniya at ngumiti.

"O-Okay sige." kahit nagtataka ako.

THE CERTIFIED SLUTWhere stories live. Discover now