Chapter 15: Revelation

9.3K 193 21
                                    


Burn~

"You know each other right?" deretsahang tanong ko.

"H-Ha?" nauutal na sabi ni Eunique.

Napaghahalataan.

"Right? Sabi ni Ban, you are living next to Ryle's unit dati." natatawang sabi ko.

"Ah. Haha yeah right." aniya ng di makatingin sa akin.

"Yes. We know each other, pero di kami ganon magkakilala." sabat ni Ryle.

Defensive.

"O really?" sagot ko.

"Ano ba yan Kuya, dami mong tanong kain na muna tayo." singit ni Ban.

Gustong gusto ko silang isiwalat mismo dito. Pero may pumipigil sa akin. Hindi ko alam.

"Nga pala, we're invited tomorrow. Bday ni Janeen. Kuya Gian's Sister." masayang sabi ng kapatid ko.

"Sabay tayo Babe ha." aniya kay Ryle.

Pero si Ryle ay tumingin muna saglit kay Eunique bago sagutin ang kapatid ko.

"Yes ofcourse."

"Love," pagtawag ko kay Eunique. Parang wala siya sa sarili niya.

"O-Oh?"

"Bukas, sabay tayong pumunta sa hospital. May konting salo salo para sa kapatid ni Gian." sabi ko.

"Hindi pa nakakalabas si Janeen?" sagot niya.

"You know her?" biglang sabat ni Ban.

Tinignan ko si Eunique, at inabangan ang sasabihin niya.

"Ah yes." aniya saka kinuha ang baso ng juice at uminom

Di na siya kinulit ni Banny at nakipag usap na kay Ryle.

"Saan tayo magkikita?" tanong ko sakanya.

"Sa gate nalang or sa parking."

"Okay sige. Text or call me after your class." sabi ko.

Di ko maiwasang tignan siya at si Ryle.

Naiinis ako.

The way Ryle's look at her is so different.

Kinakausap siya ng kapatid ko, pero parang wala ito sa sarili dahil nasa harap niya si Eunique.

Kumuyom ang mga kamay ko sa inis at galit.

Para san ba tong inis ko?

Para sa paghihiganti padin ba to?

Ayokong tukuyin ang posibleng dahilan.
Hindi ako pwedeng mahulog kay Eunique.
Hindi yon ang intensyon ko.

---

Burn~

After class ay dumeretso ako ng office, to see na andon si Victoria.

"Ang tagal mo." aniya.

Palibhasa'y tamad na tamad pumasok.
Kunsabagay anak naman siya ng may ari nitong school.

"What? Why?" tanong ko.

Inayos ko ang mga papel na nasa mesa ko.

"Sabay na tayo pumunta sa hospital." aniya.

"Mauna ka na, Aantayin ko pa si Eunique."

"Ha? Haha." tumayo siya at maarteng hinawi ang buhok. "Acting a real boyfriend Burn?" aniya.

"Shut it."

THE CERTIFIED SLUTWhere stories live. Discover now