Chapter 5: The Encounter 2

17.3K 244 35
                                    


Eunique ~

MALL.

While wating for his shoe size, naupo kami sa upuan malapit sa mga shoe rack dito sa department store.

Awkward padin sa aking kasama siya, dahil di naman kami close. Yes nagkakasama na kami dati dahil kay Gian. Nung kami pa. Pero never pa kaming nagusap.

"You know what, you've change a lot." aniya.

Nilingon ko siya, pero di ako sumagot. Nagkibit balikat akong ngumiti bilang tugon.

"You were the most behave people I know. Haha." aniya.

"Change is constant." maiksing sagot ko lang.

Maya maya ay natapos na siya sa pamimili at nagpunta sa bookstore.

"Kaya ka pala matalino mahilig ka palang magbasa." sabi ko ng pareho kaming tumitingin ng mga librong sale sa bookstore.

"For me, di ko maconsider na matalino ako. Sadyamg masipag lang talaga ako mag aral." tumango tango ako.

Maya maya,

"Ow look who's here." sabay kaming napalingon sa likod ng may magsalitang matandang lalaki.
Sa akin siya nakatingin.

Pagtingin ko ay parang gusto ko nalang mag tago. Argh.

Pareho kaming di nagsalita ni Burn, pero halata sakanya ang pag tataka.

"Been months na wala akong appointment sayo. So how are you?"

May mga gold na alahas siya. Naka formal attire with coat pa at may kaakbay na babaeng dalaga pa. Sexy sa suot na pula, at pulang lipstick.

"S-Sorry do I know you?" pag dedeny ko.

"Wow. Hahaha gusto mo bang magpakita ako ng sampung libo sa harap mo para maalala mo ako ha pokpok?" natatawang aniya.

Kaya napaatras ako sa kaba.

Gulat ako ng pumunta si Burn sa harap ko,

"Excuse me Mister, mawalang galang na. Sinabi na niyang hindi ka niya kilala diba?" seryoso at malalim na aniya.

"Hahaha! Boypren ka ba niyan? O baka customer lang din? Alam mo bang pinagsawaan ko na yan sa kama? Haha!" natatawa pang pagkakasabi ng matanda.

Nakakaagaw na kami ng atensyon dahil sa pagtawa niya ng malakas.

Nakita kong kumuyom ang mga kamay ni Burn kaya tinawag ko siya't inaya ng umalis,

"Burn, halika na umuwi na tayo."

Pero di niya ako nagawang pakinggan.

"Wala kang respeto sa babae mister."

Ngumisi ang matanda pati na ang babaeng kasama niya, "Haha! Babae siya oo, pero ang katulad niyan di dapat nirerespeto. Bayaran yan. Haha."

Nilingon ako ng matanda, at ibinaba ang kamay papunta sa baywang ng kasama niyang babae.

"Kamusta Eunique? Nagbago ka na ba? Haha. Tandaan mo sa mga babaeng tulad mo, wala ng pagasa pa. Eto sampung libo!" aniya at saka ibinato ang tig 1 thousand sa akin dhilan para magkalat yun.

Napaatras ako sa kahihiyan dahil sa mga taong nakapaligid at may iba pang kumukuha ng video. Napatungo ako at di alam ang gagawin kung takbuhan nalang ba o manatili dito at hintaying lumubog ako sa kahihiyan.

Pero ang mas diko inaasahan ay ang biglang sigawan sa loob ng lugar!

Pag tingin ko ay nakahandusay na si Mr. Gil sa sahig hawak ang putok niyang labi!
Namataan ko pa si Burn na malalim ang paghinga at nakakuyom pa ang mga kamay galing sa pagsuntok!

THE CERTIFIED SLUTWhere stories live. Discover now