Chapter 13: "Love"

9.6K 157 7
                                    


Eunique~

"Wag ka na muna umuwi please?"

Natawa ko para siyang bata, "Haha, uhm pagiisipan ko."

Bigla niya akong hinatak sa bewang, para mas mapalapit sakanya.

Ang cuteee ng boyfriend ko!

Pilit niyang isinisiksik ang mukha niya sa leeg ko. Natatawa ako.

Yung Burn na seryoso sa school? Ganito pala maglambing.

"Sige na Love." pagpipilit pa niya.

Hinaplos haplos ko ang mukha niyang nakasiksik sa leeg ko habang nakayakap siya sa akin ng sobrang higpit.

"Ang sweet mo, baka mabilis ka magsawa sa akin niyan ha?" pagbibiro ko.

Hinalikan niya ako sa pisngi, "Hindi mangyayari yon." nakangiting aniya, "Di pa kita naririnig na tawagin ako sa endearment natin."

"Nahihiya ako Burn." sagot ko.

Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at saka tumayo.

Nagtampo? Haha.

Nagpunta ng kusina at nagtitingin sa ref.

Tatawa tawa akong tumayo at sumunod sakanya doon,

Habang nakatalikod siya at busy sa paghahanap ng kung ano, bigla ko siyang niyakap sa bewang niya ng nakatalikod siya sa akin.

Nahinto siya sa ginagawa ng ilang segundo, pero nagpatuloy ulit sa ginagawa.

"Sorry na Burn." pangaamo ko.

"Tss, Burn padin?" bubulong bulong pa ang loko, "Gusto ka daw niya, pero dika matawag sa sweet na paraan. Burn? Burn? Tsk!"

Tawang tawa ako sa pagiging isip bata niya, ang cute talaga.

"Sorry na Love. Hmm?" paglalambing ko.

"Tss yun na yon? Yung with feelings naman." aniya.

Hinigpitan ko ang yakap ko, "Looove~ gutom na ako. Cook something for me please?" pagpapacute ko.

Sandali siyang natigilan, at saka nakangiting humarap sa akin.

"From now on, wala ka ng itatawag sa akin kung hindi 'Love'" aniya.

Tumango ako at saka humawak sa bewang niya at hinalikan siya ng mabilis.

Tumalikod ako para sana makabalik na sa sofa, pero bigla niya akong hinila sa bewang ko,

"Bu-Love ano ba, haha." nakatalikod ako sakanya at nakapalupot ang arms niya sa bewang ko.

Kinikiliti ako ng labi niyang naglalaro sa batok ko, magtatagal doon at biglang lilipat sa magkabilang gilid ng leeg ko.

"Hindi ka na pwedeng mawala sa paningin ko. Gusto ko lagi kitang nakikita. Lahat ng galaw at paghinga mo dapat nakikita ko." he said between his kisses.

Pilit akong humarap sakanya, "Ngayon may rason na para huminga pa ako. Kasi anjan ka na." sabi ko ng may ngiti.

Hinalikan niya ang labi ko, at saka ako binuhat upang maupo sa sementadong may tiles na kitchen counter.

Hindi na naputol ang halik namin,

Halos hanggang bewang niya ang counter na ito. Kaya nasa pagitan siya ng mga binti ko.

Di ako magsasawa sa labi ng isang to panigurado.

Hinahawi ni Burn ang buhok ko, upang manatili sa likod. Ng mag karoon siya ng tyansa ay umiba ang path ng halik niya.

THE CERTIFIED SLUTWhere stories live. Discover now