Chapter 26: Flashback

9.2K 239 35
                                    

FLASHBACK 5 YEARS AGO.
MONTHS AFTER BURN'S BIRTHDAY..

Eunique ~

Flashback from a month after Burn's Bday.

Ilang araw hanggang naging ilang linggo na akong umiiyak. Dinrop ko lahat ng subject ko. Halos ayaw ko ng lumabas. Punong puno ako ng haters at threats sa mga social media account ko. Takot na takot ako.

Pero ang mas ikinatatakot ko ay ang sitwasyon ko ngayon.

"Niks, di magandang nagmumukmok ka jan. Kumain ka naman kahit kaunti." ani Cons.

Di ako sumagot.

"Eunique.."

Andito nanaman siya.

"Ryle, ayan nanaman ayaw nanaman kumain." pagrereklmo ni Cons kay Ryle.

"Eunique, hindi magandang magpalipas ka ng kain. Alam mong hindi pwede sayong nagpapagutom, kailangam mo ng lakas. Para sa sarili mo at sa batang dinadala mo.." aniya.

Yes I am 2 weeks pregnant.
At sigurado akong si Burn ang ama ng dinadala ko wala ng iba. Kahit pa ipa DNA Test pa to.

"Ryle, samahan mo na ako." umiiyak na sabi ko.

"Eunique?! Hindi pwede yang gusto mo!" sigaw niya.

"Niks, walang kasalanan ang bata." singit ni Cons.

"Ayoko. Ayoko sa batang ito! Please, ipapabort ko na to. Ayoko dito!!!" hinampas hampas ko ang tiyan ko kahit pa nasasaktan ako.

Pinagtulungan nila akong pigilin sa ginagawa ko.

"Tama na. Nasasaktan ka na!" humagulgol ako sa iyak. Hinawakan ni Ryle ang dalawang kamay ko.

Di ko kayang magpalaki ng bata, ayokong maalala si Burn. Ayoko!!

"Niks, palalakihin natin ang bata. Kasama mo ako." ani Cons.

"Kasama mo rin ako, hindi kita iiwan. Hindi ko kayo iiwan ng batang iyan." Seryosong ani Ryle.

Pinunasan niya ng mga luha ko.

Ilang araw pa akong tulala.

-

Araw na wala si Cons, at di pumunta si Ryle,
I decided to go outside.

I'm almost, 2 months pregnant now.

Pero di padin halata ang baby bumps ko.

Sumakay ako ng Taxi at tumungo sa bahay ng mga Dela Cuesta.

Masakit, pero ayokong palakihin ang batang ito ng mag isa. Sa sobrang katangahan ko, gusto ko paring kasama si Burn na mag palaki sa anak namin.

Pagbaba ko ng mansion ng mga Dela Cuesta ay nagdoorbell agad ako ng ilang beses.

Maid ang nagbukas sa akin,

"Bakit ho?" aniya.

"A-Anjan ho ba si Burn?" nagaalangang tanong ko.

Tinitigan muna ako ng maid ng ilang segundo, "Teka titignan ko.." aniya at umalis sinarhan muli ako ng gate.

Maya maya ay nakarinig na ako ng gate na nagbubukas, kaya naexcite ako at tumayo ako sa pagkakaupo sa gutter.

Pero hindi si Burn ang sumalubong sa akin,

"Anong ginagawa mo dito Slut?" bungad agad ni Bann sa akin.

"Bann, asan kuya mo? May kailangan kaming pag usapan." kalmado pang sabi ko.

Mapakla siyang tumawa, "As if sasabihin ko sayo kung nasaan. Umalis ka na. Don't make a scene." Mataray na sabi niya.

THE CERTIFIED SLUTOù les histoires vivent. Découvrez maintenant