Chapter 10: Love Bites

13.8K 205 14
                                    


Eunique ~

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Nakakahiya, tinanghali pa ata ako ng gising.
Kailangan ko ng umuwi dahil may klase ako mamayang hapon.

Tumayo ako at pumunta sa cr para makapaghilamos at toothbrush.

Habang naghihilamos ay namataan ko pa ang sugat ko sa labi, at kaunting pasa sa braso.

Madalas akong saktan ni Ted, pero iniintindi ko siya. Pero kagabi? Kakaibang Ted ang nakita ko.
Gusto ko ng makaalis sakanya.

Pag tapos ko maglinis ay umupo ako sa kama at nagsuklay ng buhok.

Maya maya ay may kumakatok.
Pagbukas ko, ay bumungad sakin ang maaliwalas na mukha ni Burn.

Naka cotton pants na itim at tshirt na plain white.

Siya palang ata ang nakikita kong ganyang kagwapo sa white tees.

"Morning," aniya at diko agad napansing may dala pala siyang tray na may lamang breakfast.

"Mmm Morning." sagot ko at pinapasok siya sa loob.

"Breakfast for two!" masayang aniya.

"Nakakahiya nag abala ka pa, uuwi na din naman ako ng maaga. Nakakaabala na ako dito sainyo." nahihiyang sabi ko.

Inarrange niya ang mesang nakatupi sa sulok at dinala yon malapit sa kama at doon niya nilapag ang mga pagkaing dala niya.

"Shhh. Its okay. Niready to ni Mommy bago siya umalis at pumasok na din si Banny. My Dad will go home before lunch pa kaya don't be shy." aniya at ng matapos siya ay pinaupo niya ako sa kama kaharap ng mesa kung saan niya inilagay ang breakfast.

Sinalinan niya ng Juice ang baso saka kami nag simulang kumain.

"Gusto kang makakwentuhan ni Ban, pero may pasok siya kaya di na niya naantay yung pag gising mo."

"Sana ginising mo ako para manlang mas makilala ko siya."

"Nextime." aniya.

Ilang minuto ay walang nagsalita sa amin. Nagpatuloy lang kami sa pag kain.

Pero na aawkwardan ako,

"Uhmmm, can I ask something?" ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Yah, Sure. What is it?" aniya.

"B-Bakit, never kang nagtanong?" kumunot ang noo niya sa sinabi ko pero di siya nagsalita,
"...I mean, you never demand for an explanation. Mula pa kagabi." humina ang boses ko sa huling salita.

Kumuha muna siya ng bacon kinain yon at saka uminon ng juice bago ako sagutin. "You know what? Feeling ko I have the right to know about everything. To be honest I saw the whole scene outside the club." bigla ay nahiya ako inilihis ko ang tingin sakanya at napayuko na lamang ako. "But, I know for sure na if you are ready you will tell me naman di ba?"

Nagulat ako sa sagot na niya yon.
Napaangat ako ng tingin sakanya.

Napakagat ako ng labi, di ko alam ang sasabihin ko.

"I will understand everything, na kahit di mo pa sinasabi o ineexplain feeling ko naiintindihan na kita agad." aniya at nginitian ako, "Ang lambot lambot ng puso ko sayo. Putsa." napamura pa siya sa dulo at natawa.

Napangiti ako sa lahat ng sinabi niya.
Kahit don sa 'Putsa' niya parang nacucutan ako! Jusko.

"I'm greatful. Salamat Burn."

"Just let me know if you're ready. I will have my ears on you to listen." aniya at saka hinaplos ang buhok ko.

Tumango ako, at di na nawala ang saya at tuwa sa puso ko.

THE CERTIFIED SLUTWhere stories live. Discover now