Chapter 17: Renew

8.5K 204 13
                                    

Eunique~

I felt somehow relief.

"Naalala mo din ba nung makita mo kami ni Vaughn? Sa faculty..." tumango siya, "Kabayaran yon, sa hiniling kong grado mo sakanya."

Nagulat siya at napabitiw, "K-Kaya pala, pumasa ako kahit bagsak ako sa exams. Bakit mo ginawa yon?"

"Kilala kase kita e, masyado mong mahal ang pagaaral mo. Ayokong mamroblema ka. Tutal ganon naman na ako, wala ng mawawala sa akin." nakangiting sabi ko.

"Pero Eunique!! Kahit na! Nagalit pa ako sayo ng mga oras na yon, pero para pala sa akin yong ginagawa mo." huminga siya ng malalim at saka ako tinitigan, "Please wag mo ng isakripisyo ulit ang sarili mo para sa akin, o para sa ibang tao."

Tumango ako at ngumiti, "I'll try..."

———

Kinabukasan -

BURN~

Pagtapos ng klase ay dumeretso agad ako sa office para kunin ang gamit ko. May practice daw ng basketball ulit.
Ngayon nalang ako nagka oras para sa sports na hilig ko.

Pag pasok ko ng SC Office, ay isang babaeng tulog ang naabutan ko. Naka upo at Naka tungo ito sa mesa ko.

I got froze for a moment, It was her.

I really miss her.

Kinuha ko ang gamit ko at nagbihis ng jersey.
Pagtapos ay nilapitan ko siya.

Pumayat siya.

Inilapit ko ang mukha ko sakanya at hinalikan siya sa noo at ilong,

Unti unting dumilat ang napakagandang babaeng nakilala ko.

Nginitian ko siya at dun ko nalang uli nasilayan ang maganda niyang ngiti.

"Love..." aniya.

Nakatungo akong nakapantay sakanya.

Bigla niya akong niyakap.

"Sorry ngayon lang ako nagpakita, namiss mo ba ako?" nakangiting aniya.

Hindi ko siya sinagot, pero hinalikan ko siya ng mabilis at saka ngumiti.

"Namiss mo nga ako." aniya.ay ngiti sa labi.

Lumayo ako sakanya at tumayo ng maayos, "Tara?" hinawakan ko ang kamay niya at hinila ng marahan, "May laro ako. Nuod ka."

Magkahawak kami ng kamay, na naglakad sa hallway ng school.

Hindi siya bumitaw sa akin, kumpara sa usual na ginagawa niya.

Kahit pa madaming mapanghusgang mata ang nakatingin sa amin.

Ng makarating kami sa court ay nagwawarm up na ang iba. Ang iba ay nakaupo pa sa bench.

Nakita kong napatingin sa amin si Gian,

Kumaway siya sa amin,

Kakaway sana pabalik si Eunique pero kinuha ko ang kamay niyang itataas sana, saka ko siya hinila gamit yon.

Tinanguhan ko nalang si Gian.
Kailangan pa bang kumaway? Katabi na nga si Lyra.

"Kailan pa kayo naging okay ni Gian? Ang ganda naman ata ng ngiti niya sayo." sabi ko ng makaupo kami.

"Ha? Okay naman kami. Bakit?" sagot niya lang.

"Wala."

Natawa siya bigla, "Nagseselos ka? Kahit pa ngitian ko siya, ikaw padin ang mahal ko."

THE CERTIFIED SLUTWhere stories live. Discover now