FINAL CHAPTER!!!

9.8K 211 104
                                    

Burn ~

"Mahal na Mahal pa din kita.."
Emosyonal na sabi ko.

Pero wala akong narinig na tugon. Bagkus, niyakap niya ako ng mahigpit.

Saka na ako naiyak...

Ilang taon ang sinayang ko Eunique.
Kaya sana kung may pagkakataon pa, sana pagbigyan mo ako ulit.

"Eunique."

Agad na bumitaw si Eunique sa pagkaka yakap sa akin at agad na lumayo at tumingin sa lalaking nasa harapan namin

"R-Ryle.." ani Eunique saka lumapit si Ryle sakanya, hinawakan ang kamay saka hinarap ako.

"Tapos na ba kayo mag usap?" seryosong aniya sa akin.

Napatingin ako sakanya ng seryoso.

Gusto kong hatakin ang kamay ni Eunique sa pag kakahawak niya.

Kung sana ganoon lang kadali.

Tumango ako at seryoso padin siyang nakatingin sa akin.

"Pwede na ba tayong umuwi?" tanong ni Ryle kay Eunique.

"O-Oo please." ani Eunique saka saglit akong nilingon.

Saka nila ako tinalikuran ng magkahawak ang kamay.

Di pa man sila nakakalayo ay nilingon akong muli ni Ryle.

"You are invited on our wedding next month." aniya.

"What?" pagtataka na ani Eunique. Tila di alam ang sinabi ni Ryle.

"Are you coming?" tanong muli ni Ryle sa akin, di sinagot si Eunique.

Seryoso ko siyang tinignan. Pero tumingin ako kay Eunique. "I'll be there."

"Ofcourse, you need to be there." aniya saka ngumiti.

Saka na nila ako tuluyang tinalikuran at naglakad na palayo.

Ryle ~

"Magpahinga ka na muna. Ako na ang titingin kay Moon, uuwi na rin ako maya maya." sabi ko saka hinaplos ang buhok niya at tinitigan siya.

Ngayon palang nahihirapan na ako Eunique.

Hanggang sa dulo talo padin ako.

Tumango siya at akmang tatalikod na,
"Y-Yung sinabi mo kanina, totoo ba? Next month na?" nag aalangang tanong niya.

I smile sadly. Yes. I give what makes you happy.

Tumango ako, "Yes, but I don't want you to get stress, ako na ang bahala sa lahat. Wag mo na alalahanin yon."

Ngumiti siya at niyakap ako.

Hindi ko alam kung bakit parang eto na ang huling yakap niya sa akin.

"Mahal na Mahal kita, lahat ng gusto mo, lahat ng makakapag pasaya sayo gagawin ko." malambing na sabi ko, saka hinaplos ang mukha niya at tinitigan niya.

"Sige na, magpahinga ka na." ani ko at hinalikan siya sa noo.

Ilang oras pa akong nagstay sa bahay nila, saka ako nagpasyang umalis na at tinawagan ang pakay ko.

.

Burn ~

"Bakit mo ba ako inaya uminom? May problema ba kayo ni Lyra?" natatawang sabi ko kay Gian.

Andito kami ngayon sa isang high end bar,kumuha kami ng isang vip room.

"Shut up, may gustong kumausap sayo." seryosong aniya saka lumagok.

THE CERTIFIED SLUTWhere stories live. Discover now