Chapter 31 : HIM

8K 179 39
                                    


Eunique ~

"Ano ba Cons? Ang tagal mo kumilos. Kanina pa text ng text sila Gian at Lyra!" sigaw ko nasa labas ng bahay at naghihintay sakanya.

"Teka naman, eto na." aniya nagaayos pa ng buhok na papalapit sa akin.

Buti nalang ay andito si Papa at may magbabantay sa anak ko.

Nagpara kami ng taxi at sumakay na.

"Di ba makakapunta si Ryle? Magcocommute padin ba tayo pag uwi? Nako baka lasing tayo mamaya."

"May mga tinatapos pa siya, susunod daw siya." sabi ko, "Ginagawa mong service si Ryle! Ayos ka din e no." natatawang sabi ko.

Pag karating namin sa isang high end bar ay nakita ko na si Lyra na nagaantay sa labas.

Nakangiti siyang sinalubong kami.

Yumakap siya at nakipag beso, "Grabe ang mga VIP!" Natatawang aniya.

"Sorry pinatulog ko pa si Moon. At eto namang si Cons, kung makapag ayos kala mo babae!" nagtatawanan kaming pumasok sa loob ng bar.

Binook nila ni Gian ang engrandeng bar na ito.

Ilang mesa din ang inuukopa ng mga grupo grupong kakilala nilang dalawa.

Nag pa despedida ang dalawa dahil nextweek ay lilipad na sila papuntang Paris. Para sa Honeymoon.

Yes ikinasal na sila. Im happy for the both of them. Bagay na bagay talaga sila.

"Buti nalang next year pa ang kasal niyo ni Ryle, kasi balak pa naming magtagal muna sa Paris. Atleast makaka attend kami ng Asawa ko." kinikilig na aniya.

And yes, I will marry Ryle.

Nung gabing siya ang pinuntahan ko he proposed. Hindi ako nag alinlangan.
Wala akong doubt pag dating kay Ryle.
Alam kong responsable siyang tao.

"Eh pano ba naman sobrang busy ni Ryle! Puro trabaho. Mayaman naman na, lalo pang nagpapayaman." sabat ni Cons.
Na kumukuha na ng shot glass sa mga waiter na nagaalok ng drinks.

Umiling nalang ako.
Dahil naiintindihan ko naman si Ryle, family business ang iniingatan niya.

Nang sa wakas ay nasa malaking pwesto na kami, ay naupo kami at nagbatian sa mga kakilala.

Halos school mate namin ang naroon.

Nakapabilog ang malalaki at mahahabang couch.

"Buti okay lang sayo na patagalin pa ang kasal niyo ni Ryle, Eunique?" biglang sali ng isang ka eskwela namin dati.

Napalingon tuloy ako sa mga nakikinig roon.

Ganon nalang ang gulat ko ng magtama ang paningin namin ni Burn.

Diko alam kung kanina pa ba siya nakatingin or pinagmamasdan na ba niya ko?

Di tuloy ako mapakali. Kinakabahan ako.

"Eunique?" pagtawag sakin ni Ella. Dahil diko nasagot ang tanong niya.

Inalis ko ang tingin ko kay Burn, at ngumiti kay Ella,

"Okay lang naman, naiintindihan ko naman siya." pilit na ngiti ang iginawad ko.

Nagpatuloy lang sa kasiyahan ang mga naroon.

Pero panay ang pag gamit ko ng phone.

Dahil ilang na ilang na ako sa titig ni Burn.
Bakit ba siya ganyan?

Kahit nilalagok niya ang iniinom niya, ang mga mata niya ay di nawawala ang paningin sa akin. Napaka lalim ng pagkakatingin niya. Para akong hinuhukay!

THE CERTIFIED SLUTWhere stories live. Discover now