Chapter 20: BROKEN

8.5K 197 35
                                    


Ryle~

Sinuwerte kaming makalabas ng ligtas sa bahay ni Ted.

Dinala ko si Eunique sa Condo ko.

Hanggang sa maupo siya sa sofa, ay hindi siya umiimik. Nakatulala lang siya.

From now on, hindi ko na hahayaan si Ted na may gawin pa sayo.

Maya maya ay dumating na si Cons,
Tinext ko ito na pumunta sa condo,

"Ryle?! Si Nikss???" bungad niya agad ng pagbuksan ko siya.

Di ko siya sinagot, pinapasok ko siya.

Ng makita niya si Eunique ay napatakbo ito sa napayakap sa kaibigan.

"Niks, sorry di kita nagawang iligtas. Ang hina hina ko. Sana kase naging lalaki na talaga ako!" sabi niya at umiyak ng umiyak.

Pero di siya magawang sagutin ni Eunique, tulala ito at lalong umiyak dahil sa kaibigan.

"Niks, sorry. Bakit ba hindi ka pa nila tigilan. Mga hayop. Mga kampon ng demonyo talaga!!" galit na sabi nito. Habang inaalo ang kaibigan.

"Cons, tama na muna yan. Pagpahingahin muna natin siya. Kailangan niya ng lakas."

Humiwalay si Cons at tinulungan akong
Aalalayan si Eunique na maglakad hanggang sa kwarto ko, inihiga namin siya at kinumutan.

"Tama na Eunique, wag ka ng umiyak. Kailangan mo magpahinga." sabi ko.

"Tama si Ryle, sige na Niks. Andito lang kami walang mangyayari sayong masama dito." ani Cons.

Nilingon niya si Cons, at saka biglang dumapo ang tingin sa akin.

"Pag gising mo, pahihilumin natin ang mga pasa mo. At magsusumbong tayo sa pulis." sabi ko pero parang di siya sang ayon. "Pag ready ka na."

Tumango siya at dahan dahan ng pumikit.

Mag aalasyete ay nagising ako, maya maya ay nagising na din si Cons.

"Kailangan ko ng umuwi. May pasok pa ako Bro." aniya.

"Mag almusal ka na muna."

"Hindi na, sa bahay nalang." aniya naglakad papunta kay Eunique.

Tulog padin ito.

Siguro ay pagod na pagod. Naawa ako sakanya.
Babae siyang dapat na protektahan. Pero ganito ang nararanasan niya.

Makakuha lang ako ng tyempo ay di ako magdadalawang isip iganti siya kay Ted.

"Nikss, madami kaming nagaalala sayo. Sana wag mo isiping nagiisa ka. Andito kami. Lalo na akong pogi mong best friend." pagbibiro pa ni Cons.

Pero tulog padin si Eunique.

Ng makaalis si Cons ay nag almusal na muna ako at naligo.

Saka ako bumalik kay Eunique ng may dalang towel at maliit na batya na may maligamgam na tubig.

Umupo ako sa kama nakatagilid paharap sa kanya.

Ang himbing ng tulog niya. Para siyang walang problema.

Dinampi dampian ko ang mukha niya ng towel na binasa ko.

Hinawi ko ang buhok niya,

'Napakaganda mo Eunique'

"I still remember our first encounter.
Sa bar na yon, you are drunk. Pero ayaw mong may lumalapit sayo at nagooffer ng drinks.
Para kang anghel sa paningin ko non, alam mo ba yon? Nirereject mo sila, pero nung ako ang lumapit ay di mo ako tinanggihan.
Girlfriend ko si Banny, pero nung mga oras na nakilala kita? Parang gusto ko na siyang hiwalayan. Nagkaroon tayo ng kakaibang koneksyon. Inofferan mo ako na maging sex buddy kita. Kapalit ng pera. Nagulat ako, pero tinanggap ko agad. Dahil gusto kong mapalapit sayo." natatawang sabi ko dahil tandang tanda ko pa yon.

THE CERTIFIED SLUTWhere stories live. Discover now