Episode 4

6.2K 390 165
                                    

Pinaupo ako ni Marco sa isa sa mga mesa ng canteen. And as I waited for him, I watch him from afar. He is laughing loudly while saying something to the cashier. Close na close sila ni Aling Matilda. Kaya kung minsan nga ay nakakalibre siya sa kanya ng ulam.

Well, madali lang naman talaga kasing maka-close si Marco. Hindi siya problematic. Tawa lang siya nang tawa. Iyong tipo ng tao na hindi ka babahiran ng ka-nega-han sa katawan. Iyong taong kailangan mo kapag parang binabagsakan ka na ng langit at lupa.

I smile when I saw him glance a smile at me. Ngayon, hindi ko na alam kung bakit ako naiinis sa kanya.

Dahil ba sa palaging pang-aasar niya sa akin?

I guess not. Kasi kahit naman hindi niya ako inaasar ay nabubwiset pa rin talaga ako sa mukha niya.

Baka naman siya lang talaga 'yung taong para sa akin ay makita at maamoy lang ay nakakasira na ng araw. Iyong tipong wala kang dahilan para magalit sa kanya pero nagagalit ka pa rin. Iyong palaisipang emosyon na tila bang palagi kang dinadalaw kapag nandiyan na siya sa paligid mo.

Naglakad na siya papalapit sa akin. He is holding a tray. May natanaw ako doong bote ng sprite at coke. Mayroon din doong dalawang plato ng-- I think, pansit.

"Let's eat, Margotliit."

Napa-poker face ako. Ayan na naman siya. Ang height ko na naman ang pinupuntirya.

He laughed. A carefree one. "Just kidding, come on!"

"Whatever," hindi ko mapigilan ang mahawa sa kanyang tawa.

Umupo siya sa harap ko, inilapag ang tray ng pagkain na kanyang binili. While Aling Matilda watched us with a smile that I can't understand, Marco began to hand me the food.

"Libre mo?" I asked, half fantastic and half surprised.

Tumango siya bago nagtaas-baba ng kilay. "Uh-uh," he winked at me, "that's for me being grateful na hindi mo ako pinahiya kanina."

"Oh," I giggle.

"I don't want to hurt my reputation, you know?"

I playfully roll my eyes, "Jerk talaga."

He smiled sweetly at me. May halo iyong pang-aasar. "Again, I am proud of it."

Naiiling na lang akong natawa at sumubo ng pansit. I pointed the fork at him, "What's with you and your reputation? I mean, mapapakain ka ba niyan? Yayaman ka ba diyan?"

With mouth full, he burst a laugh. Para siyang batang kumakain tapos nag-joke ang kalaro niya. Natatakot nga ako na baka anytime, mabulunan siya sa kakatawa. Iyong tawa niya kasi, kaunti na lang ay mapapatanong na ako sa sarili ko kung joker na ba ako?

Lumunok siya nang malala. "Margot, Margot, Margot." He slowly shook his head. Inalis niya ang kanyang eyeglass at pinunasan ang tears of joy niya.

He motioned his hands anywhere, "It's Senior High School!" Binalik niyang muli ang kanyang eyeglass. "Reputation is what we eat. We live for our reputation because that will make us survive in this vast years of innocence."

I tilted my head. "Hindi kita ma-gets."

"Being popular-- No, being someone na gusto ng lahat, means everything. Dito sa Senior High School, kapag gusto ka ng lahat, palagi ka nilang ma-aalala hanggang sa pagtanda nila. You know? Like, when you have the reputation," he cut himself off, "a good reputation, ofcourse-- you will always live on the memories of their youth. Hindi ka mawawala sa utak nila. Palagi kang mag-lalaro sa alala nila sa matagal na panahon."

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon