Episode 40

2.7K 237 43
                                    

It's Wednesday afternoon, start na ng Christmas break namin. Nandito kaming lahat sa bahay ni Diyes maliban kay Marco na naghihintay sa pagdating namin sa bahay niya. Napag-usapan kasi namin na pag-planuhan na ang mga gagawin namin para maiwasan ang mangyayari na nakasaad sa huling pahina ng letters ng aming future selves.

Kumbaga sa isang mission, ito na ang pinaka-huling pag-subok namin kaya't gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para mapagtagumpayan ito.

Base sa letters, magsu-suicide si Marco sa Friday. Dalawang araw mula ngayon. Mawawala siya sa amin sa mismong araw ng birthday niya at kailangan namin iyong mapigilan.

Marco will stay alive.

He can never leave us, never on our watch.

"So, ano na ang plano?" Wika ni Vaeden na nakahiga sa sahig habang naka-unan ang ulo sa mga hita ni Magne.

"First of all, kailangan nating mapigilan ang masabihan siya ng tito mo," Diyes pointed his finger at Magne. Napatingin kaming lahat sa kanya. "ng masasakit na salita."

"Katulad ng nangyari sa paa ni Marco noong Mini-Olympics last week. Kahit na naiba na natin ang future, maaari pa ring mangyari uli ang pagaaway nila ng kanyang boss pero sa ibang pamamaraan naman."

I saw his Adam's apple to went up and down, "Katulad ng lagi kong sinasabi, nature will always find its way to make everything fall into its right places."

Bumuntong hininga siya. "Ang kailangan nating gawin ay ang 'wag palayuin si Marco sa tabi natin. Kailangang mapigilan natin na makipag-kita siya sa tito ni Magne."

The three of us nod. Vaeden even clapped his hand as if he's totally amazed by the wit of Diyes. Natatawa nang bahagya, ako naman ang nagsalita.

"Siguro, mas okay kung ilayo natin si Marco dito. Siguro naman, kung ganoon ang gagawin natin ay hinding hindi na talaga matutuloy ang mga dapat na mangyari ngayon, 'di ba?"

Diyes nod at me with his usual serious face. "How about we go camping?"

"OMG! Yes! Please!" Halos mapatalon ako mula sa kinauupuan ko nang pasigaw na nagsalita si Magne.

Napangiwi akong napapahaplos sa kanang dibdib ko. I motioned my hand as if I'm calming my heart. Aatakihin yata ako sa puso dahil sa babaeng 'to!

"Langhiyang bibig 'yan, ang sarap takpan gamit ang labi k--" Nakakunot noong reklamo ni Vaeden nang bumangon siya mula sa pagkakahiga sa mga hita ni Magne. Pero hindi na niya naituloy ang kamanyakang sasabihin niya nang bigla siyang sikmuraan ng best friend ko.

Ngayon ay napapabaluktot siyang ngumingiwi habang nakahiga sa sahig dahil sa sakit. Pinigilan ko naman ang matawa at pinili na lang na tumingin kay Diyes.

Diyes continue to talk, unbothered. "Actually, that was a good idea. Kasi 'di ba, ang puno't dulo ng lahat ay ang regrets ni Marco dahil sa pagkamatay ng tatay niya?"

Itinango ko ang ulo ko sa kanya, pero hindi ko makuha ang gusto niyang iparating. Bakit ba kasi lagi siyang ganito? 'Yung tipong ang lalim lagi ng mga sinasabi kaya't hindi madaling intindihin.

"Marco needs to take a break. He's suffocated by the regrets he has right now and the easiest way for him to forgive himself is through breathing the fresh air and diverting his attention to the things that only matters. And it's simply living the moment without his regrets. Kailangan natin siyang mailayo sa lugar na makakapag-paalala lang ng regrets niya."

Ang nagbabangayan na sina Vaeden at Magne ay napatigil dahil sa sinabi ni Diyes. Katulad ko siguro, pareho silang clueless din sa sinasabi ng kaibigan namin.

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon