Episode 18

4K 365 141
                                    

Matapos ang last subject namin, nagpaalam na muna si Diyes sa amin. Uuwi kasi siya para kunin ang van ng Dad niya. Iyon ang sasakyan namin papuntang Tagaytay.

We are patiently waiting for him infront of the gate. Nakaupo kami dito habang hindi pa rin tapos sa pagbabangayan sina Magne at Vaeden. 

Hinimas ko muna ang sentido ko bago magsalita. "Tama na 'yan. Kapag kayo, nagkatuluyan, sige kayo. Diyan pa naman nagsimula ang lolo at lola ko." Natatawa kong sambit. Silang dalawa naman ay biglang humarap sa akin.

"No! Yuck!" Nandidiring sambit ni Magne na may paglayo pa sa katabi niyang si Vaeden.

Ganoon din naman ang ginawa ni Vaeden. "Ayoko sa mukhang ulol."

Kukutusan na sana siya ni Magne nang mapigilan ko siya. Ngayon ay nakahawak ako sa dalawa niyang kamay habang nagpupumiglas siya. Natigil lang siya sa pagpupumiglas nang may biglang magsalita mula sa likuran namin.

"Hi, Marco! Hindi ka pa uuwi, sabay na tayo?"

Napalingon ako sa direksyon niya.

Cygny.

I quickly averted my gaze on Marco na biglang napatayo. Then on cue, his face lit up. With his eye glass on, I can see his eyes to smile genuine as it could be. And I found my heart sinking painfully.

Wait, but why?

"Ah, may pupuntahan kasi kami ng mga kaibigan ko." He gestured his hand on us, I forced a smile on her. "First job ko sa Tagaytay as a singer."

Napalingon naman ako kay Magne nang bumulong siya ng "I don't like her vibe." Sinamaan ko siya ng tingin para patahimikin. Ibinaling ko uli ang tingin kina Marco at Cygny.

"Can I join? I want to see you perform again." Masayang sabi ni Cygny na parang nagpapa-cute pa. Tho, cute na naman talaga siya pero iba ngayon eh, parang sinasadya na niya? May gusto ba siya kay Marco?

"No. Marco, please say no." Bulong muli ni Magne sa akin kaya't sinamaan ko uli siya ng tingin para tumahimik.

Bago sumagot si Marco ay bumaling muna siya sa amin. Para bang humihingi muna sa amin ng kumpirmasyon bago magdesisyon.

Well, wala namang mawawala kung sasang-ayon ako. She is Marco's friend, after all. Iyon ang dahilan kung bakit ko itinango ang ulo ko bilang pag-sangayon. Sinundan iyon ni Vaeden. Binangga ko ang balikat ko sa balikat ni Magne nang pasikreto kaya wala na siyang nagawa kundi ang pilit na tumango.

Muling humarap si Marco kay Cygny. "Sure."

Nakarinig ako ng mahinang 'tsk' mula kay Magne.  Sakto namang bumisina si Diyes sa harap namin. Lulan siya ng puting van ng kanyang Dad. Tumayo na kami mula sa kinauupuan namin at dali-dali nang lumapit sa kanya.

Si Vaeden ay umupo doon sa passenger's seat samantalang naunang pumasok sina Magne at Cygny sa loob kaya sila ang naging magkatabi. Halata sa expression ng mukha ni Magne ang pagkainis kaya't pinanlakihan ko siya ng mga mata para hindi makita ni Cygny ang nakasalubong na niyang kilay.

This girl is really something.

Ngayon ko lang nakitang maging ganito si Magne, mabait siya sa lahat pero bakit parang bad mood talaga siya kay Cygny? Hindi ko na lang inintindi ang naiisip ko at pumasok na rin sa van, sa likod nila ako pumwesto at ganoon na rin si Marco na kahuli-hulihang pumasok sa loob.

Pinaandar na ni Diyes ang sasakyan at napuno na kami ng katahimikan sa loob. Taliwas ito sa normal na nangyayari kapag magkakasama kami. Lagi kasi kaming maingay pero ngayon ay para kaming mga nakakita ng multo. Siguro, dahil ito kay Cygny. Nakaka-intimidate naman kasi talaga ang presence niya.

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon