Epilogue

5.9K 386 478
                                    

Matapos kong basahin ang letters, bumuntong hininga ako. Muling ibinaling ang mga mata ko sa maganda at asul na asul na dagat ng The White Fairyland.

Then I sigh.

A sigh that's full of mixed feelings. Combined happiness and undeciphered emotions.

It's been ten years already.

Sobrang laki na ng pinagbago ng lugar na ito magmula pa noong pumunta kami dito noong mga teenager pa lang kami. Ang dating tahimik at walang katao-taong paraiso ay nagmistula nang pangalawang boracay ngayon dahil sa dami ng turista na bumibisita dito. Pero  nanatili ang kagandahan nito. Ganoon na ganoon pa rin ang itsura nito sa kung papaano ito dati noong mga teenager pa kami.

"Tara, basahin na natin ang mga nilagay natin dito!" Masiglang sambit ni Magne kaya muli akong lumingon sa kanya.

Ngayon ay iniaabot na niya sa amin lahat ng mga letters na ginawa namin ten years ago. Ito 'yung letter na ipinagpilitan niyang gawin namin para balikan matapos ang sampung taon.

"Sisimulan ko na, ah!" Sambit niyang muli at saka inalis sa pink na envelope ang letter niya.

Umubo muna siya bago magsalita. "Dear Magne-- Wow ang drama ko talaga dati." Pagpuputol niya sa pagbasa kaya't kaming lahat ay natawa. Baliw pa rin talaga ang isang ito, walang pinagbago.

"Heto na!" Umubo muna siya uli. "Dear Magne, I hope that by this time, you already succeeded with the dream that you have right now which is to be a well-known supermodel. Gusto kong maging model ka ng Victoria's Secret. Alam kong medyo mataas ito pero vakla, mangangarap na lang din ako, eh di taasan ko na, 'di ba?"

At matapos noon ay nagtawanan kaming lahat. Walanghiya, puro kagaguhan ang nilagay niya doon. Wala talagang balak magseryoso 'to kahit na kailan.

Habang pinagmamasadan ko siyang magpatuloy sa pagbabasa ng letter niya, napangiti ako. Kagaya ng dati ay napakamasayahin niya pa rin. Para bang wala siyang iniindang problema-- parang lahat sa kanya ay positibo lang.

Katulad ng nakalagay doon sa binasa niya, nakamit niya ang pangarap niyang iyon. Ngayon ay isa na siyang international supermodel at doon na siya nakatira sa California. Sa aming lahat, siya ang pinaka naging successful kahit na hindi siya marunong magseryoso sa lahat ng bagay. Ganoon talaga siguro kapag sinto-sinto, sinuswerte.

Habang nakatingin sa kanya ay sinamaan niya ako ng tingin. Para bang nabasa niya ang nakakatawang iniisip ko tungkol sa kanya kaya't napailing na lang ako habang natatawa nang ibinaling ko ang tingin kay Vaeden.

"Ako naman. Ehem." Singit ni Vaeden na kumindat pa kay Magne. Inirapan lang naman siya ni Magne.

Binuklat ni Vaeden nang ilang sandali ang kanyang letter bago ito binasa. "Heto na, ah? Walang iiyak, hayop kayo."

"Excuse me? Ikaw lang ang hayop dito." Asik ni Magne at ang ginawa ko na lang ay ang takpan ang kanyang bibig para maituloy na ni Vaeden ang kanyang sasabihin.

Nag-make face pa muna sa kanya si Vaeden bago ituloy ang babasahin. "Dear Vaeden, siguro ngayon ay gwapo ka pa rin at sana ngayon ay patay na patay pa rin sa 'yo si Magne."

Puta? Hala, nakakaiyak nga.

Naka-poker face ako sa kanya nang alisin ko ang pagkakatakip ko sa bibig ni Magne. Ngayon ay hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niyang gawin sa gagong si Vaeden. Bagay na bagay talaga ang dalawang ito, parehong wala sa katinuan.

"Aba!" Reklamo ni Magne at saka kinutusan si Vaeden na ngayon ay tawang tawa sa kalokohang inilagay niya dati sa kanyang sulat.

These two. Hindi pa rin talaga sila nagbabago. Para pa ring mga aso't pusa. Pero kahit na ganiyan iyang dalawang 'yan, walang hiya, napaka-tindi ng pinagdaan nila. I was there to witness their story and it's fucking complicated. As in borderline complicated.

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon