Episode 41

2.7K 212 19
                                    

Pasado alas-kwatro na ng hapon nang makarating kami sa The White Fairyland. Nang maiparada na ni Diyes ang van doon sa hindi kalayuan sa dalampasigan ay lumabas na ako.

Ipinikit ko muna ang aking mga mata, gusto kong ma-surpresa sa madadatnan ko kapag nai-mulat ko na ang mga ito.

Pinakiramdaman ko muna ang malamig na simoy ng hangin, unti-unti kong naramdaman na para bang niyayakap ako nito. Ang sarap sa pakiramdaman habang inaamoy ko ang maalat na simoy nito.

As my hair dance because of the wind, pinakinggan ko ang nakakarelax na ihip ng hangin na bumabangga sa mga malalagong puno dahilan para makagawa ito ng nakaka-relax na tunog. Huminga muna ako nang malalim bago ko unti-unting binuksan ang aking mga mata.

Nang mai-mulat ko na ang mga mata ko ay napaawang ang aking bibig dahil sa gulat-- gulat dulot ng kagandahan ng kapaligiran na nasa harap ko ngayon.

Ngayon, kitang kita ko ang magandang dagat na kumikislap dahil sa sinag ng araw. Tila bang may mga kristal sa ibabaw ng tubig. Ganoon na rin ang puting buhangin na animo'y isang pulbos ng gatas na nakalatag sa lupa.

What I'm seeing right now is magical. This is really flawless. This is surreal. This seems so unreal and I live for this view. Para ba akong nasa isang paraiso-- isang lugar na malayo sa reyalidad. 'Yung tipong para bang ako ay nasa isang magandang panaginip lang. Kung isa nga lang itong magandang panaginip, ayoko nang magising pa.

Ilang saglit pa akong tumunganga sa dagat. Matapos noon ay ibinaling ko naman ang aking mga mata dito sa kinatatayuan ko. Ang kinatatayuan ko ngayon ay isang tumpok ng carabao grass. Napangiti na lang ako nang biglang dumapo sa paa ko ang isang ibong maya na tila bang masaya sa pagdating namin.

Inilibot ko nang muli ang aking mga mata nang lumipad na ang ibong maya. Sinundan ko ng tingin ang direksyon na niliparan niya hanggang sa mapako na naman ang mga mata ko sa kagandahan ng dagat.

"Ang ganda, 'di ba?" Sambit ni Marco nang tumayo siya sa gilid ko habang sina Diyes, Magne at Vaeden naman ay busy sa pagbaba ng mga gamit namin mula sa van.

Itinango ko lang ang ulo ko sa kanya. I'm speechless, I can' find any words to say because my eyes are now enchanted by the magical view of the blue sea and its white sand.

From the corner of my eyes, I can see him stare at me while mumbling, "Sobrang ganda talaga."

***

Ilang minuto ang lumipas, nadala na naming lahat ang mga gamit namin dito sa tabi ng dalampasigan kung saan kami magpapalipas ng gabi.

Nagsimula na kaming itayo ang dalawang tent na tutulugan namin mamaya. Ang isa ay sa amin ni Magne at ang isa naman ay sa tatlong lalaki.

Nang maitayo na namin ang mga tent ay ipinasok na muna namin ang mga gamit sa loob. Matapos noon ay naisipang naming mag-gala gala muna dito sa lugar habang hindi pa dumidilim.

Ang una naming pinuntahan ay 'yung lugar kung saan may malalaking mga puno. Matatagpuan iyon sa likod ng malaking bato na nakaharap sa dagat.

Ang rason kung bakit kami pumunta dito ay para dito i-baon ang time capsule na ginawa namin. Pakana ito ni Magne. Last Thursday, inutusan niya kaming gumawa ng sulat para sa future self namin. Dapat daw ay sabihin namin doon ang mga gusto naming mangyari ten years from now tapos babalikan namin iyon matapos ang sampung taon para i-check kung nagkatotoo ba lahat ng isinulat namin doon. Dahil ayaw namin siyang mag-tantrums, naki-ride on na lang kami sa trip niya.

Inilagay ni Magne ang mga letters namin sa isang lata ng biscuit at ganoon na rin ang letters na binigay ng future selves namin. Naisipan kasi namin na 'wag na lang itong ipaalam sa kanya dahil ayaw namin siyang maguluhan. Ayaw naming isipin niya na alam na namin ang lahat ng mangyayari sa kanya pero wala pa rin kaming ginawa. Sa estado niya ngayon, kung saan siya ay puno ng regrets, I really doubt it if he will continue to be okay after reading the letters of our future selves.

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon