Episode 45

2.6K 191 65
                                    

Lumipas ang Christmas Break namin nang walang nakakaalam na nililigawan na ako ni Marco. Mabuti na siguro ito, dahil paniguradong mapapagalitan talaga ako nina Mama at Papa kapag nalaman nila ang tungkol dito.

Sa nagdaang Christmas, sa bahay nina Marco kami nagpalipas ng araw. We had a lot of fun. We played parlor games. We ate myriads of food that Nanay Minerva made just for us. But we ended the day with us having a movie marathon 'till the sunrise. So far, that was the best Christmas that I've ever had.

Pero noong Bagong Taon, hindi kami sama-samang nag-celebrate. Si Diyes kasi ay sumama sa family nila sa Hong Kong, si Magne naman ay doon sa California at si Vaeden ay doon sa Korea.

Lahat sila ay may kanya-kanyang ganap kaya't kami lang dalawa ni Marco ang natira dito sa Cavite that time. Dahil anak na rin ang turing nina Mama at Papa sa kanya, dito na sa bahay namin silang dalawa ni Nanay Minerva sumalubong ng Bagong Taon.

Days went by so fast, before I knew it, patapos na agad ang Month of January. Today's Saturday and as planned, may secret date kami ngayon ni Marco. Mabuti na lang at busy ang tatlo pa naming kaibigan sa project namin sa History kaya't hindi nila malalaman na nagde-date na pala kami ni Marco.

Right now, I am wearing a fitted white t-shirt and a pastel green squarepants. I ponytail my hair and I put a slight make-up and pink lipstick to my face. As I stare at myself in the mirror, I smile. This day will gonna be a blast. 

As I walk towards the gate entrance of our subdivision, I saw Marco waving towards my direction. He's smiling with his usual playful smile on. He's wearing an avocado green t-shirt and a black ripped jeans. He's still wearing an eyeglass but because he's Marco, he still able to combine his nerdy looks to his hot outfit that resulted to an aesthetically appealing fashion. Ewan pero siya lang yata ang nerd na kilala kong sobrang hot kahit ano pa ang isuot.

Habang patuloy ako sa paglalakad papalapit sa kanya ay patuloy lang din siya sa pagtitig sa akin habang nakangiti. His smile seems like he won the lottery.

"Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga sa aking mata." He says as he sing the lyrics of the song Dalaga by Arvey.

Nang nakalapit na ako sa kanya, ipinatong niya ang braso niya sa aking ulo. "Swerte ko talaga."

Pinigilan ko ang mapangiti, kinurot ko siya sa tagiliran dahilan para mapangiwi siya habang hinahaplos ang parteng iyon. "Hindi pa kita sinasagot. Anong swerte?"

Tumawa siya nang bahagya. "The fact na pumayag kang magpaligaw sa akin, swerte na ako noon." He wiggled his eyebrows.

I just rolled my eyes at him, still preventing myself to smile. Pero babarahin ko na sana ang banat niya nang biglang kumulog nang malakas dahilan para mapayakap ako sa kanya nang hindi ko inaasahan.

Niyakap naman niya ako pabalik, pero habang ang ulo ko ay nakadikit sa kanyang malapad na dibdib, naramdaman kong ang bahagya niyang pagtawa. "Oy, chansing."

Kaya't napalayo ako sa kanya. "Kapal mo." Asik ko habang ibinabaling ang aking paningin sa langit na ngayon ay nagdidilim na dahil sa nagbabadyang ulan.

Bago pa tuluyang umulan, nagmadali na kaming sumakay sa tricycle para pumunta sa pinakamalapit na Mall kung saan kami magde-date.

***

"Say ah, Margotliit." Sambit ni Marco sa akin habang itinutuon ko ang aking pansin sa movie na pinapanood namin.

Ang movie na pinapalabas ngayon ay ang The Voyage of Doctor Dolittle. Isa sa mga bida dito ang crush kong si Tom Holland kaya kada lumalabas ito sa eksena ay tahimik akong napapatili dahilan para singhalan ako ni Marco. Ani niya, mas gwapo naman daw siya kaysa kay Tom.

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon