Episode 23

3.5K 307 96
                                    

So far, masasabi kong fulfilling ang booth namin. Nawala ang pagod namin sa nagdaang tatlong araw dahil sa positive review ng costumers. Nag-reflect 'yon sa kinita ng booth. Ang revenue na nakuha kasi ay lumagpas pa sa in-e-expect namin. Umabot ito ng five thousand pesos in just three days! Dahil doon, mas lalo kaming ginanahang mag-trabaho.

Ilang araw na rin na hindi kami nagkakasama ng mga kaibigan ko. Busy kasi silang lahat sa kanya-kanyang ganap sa buhay. Nagkikita lang kami sa tuwing pumpunta sila dito sa booth.

Si Cygny ay pumupunta dito before mag-lunch kasama ang ibang student officers. Sina Magne at Vaeden naman ay pumupunta dito tuwing lunch. Si Ben 10 naman ay hindi na uli bumalik pa dito. Sa aming lahat, siya talaga ang pinakabusy.

Samantala, kagagaling lang dito kanina ni Marco at kasama niya si Ma'amshie. Wala kasi siyang laro today kaya free day niya raw para mag-gala.

Kwento niya sa akin, habang nag-gagala daw siya, napagalitan daw siya ni Ma'amshie dahil sa results ng kanyang exams. Knowing Ma'amshie, alam niyang wala nang parents si Marco kaya sobrang tinutukan niya talaga ang kaibigan ko. Para daw hindi na siya pagalitan ni Ma'amshie, niyaya na lang daw niya itong kumain dito sa booth namin.

Nang matapos na silang kumain, gusto pa nga ni Marco na mag-stay dito sa booth kaso tinaboy ko siya. I told him that the last thing I want to deal with today is him bitching me for the whole day. Pinilit ko na lang siya na sumama na lang sa iba naming kaibigan.

But the truth is . . . ayoko lang talagang mas mapalapit pa sa kanya. Ayoko muna siyang makasama. Para tantanan na ako ng kirot sa puso ko sa tuwing nakikita kong magkasama sila ni Cygny.

Kasi alam ko, ang toxic at ang irrational na ng nararamdaman ko.

I just want to forget my feelings towards him.

That's all.

Napaganda pa nga na sumaktong may event sa school nang isang linggo. May panahon ako para makapag-move on . . . kahit wala namang kami.

Ang tanga lang.

Ngayon ay two thirty na ng hapon kaya't nagsimula na kaming mag-sara ng booth.

Si Harper ay nagpasya nang umuwi dahil masama raw ang pakiramdam niya. Sina Veronico at Rafael naman ay may kanya-kanyang lakad daw na pupuntahan. Samantalang sina Cath at Steph ay pupunta sa seminar na ni-require ng subject na mayroon sila. Pinipilit pa nga nila akong sumama sa kanila pero humindi ako, tiyak naman kasi na aantukin lang ako doon.

I'm now walking on the crowded school ground with my white shoes and jumper denim skirt. Tinernohan ko iyon ng cream pink t-shirt ko.

It was really crowded here. The loud noise becomes a lonely song for someone like me who's not used to being alone. I suddenly feel the people to eye at me. Bagay na lagi kong nararamdaman kahit na hindi naman talaga sila nakatingin sa akin. Hindi kasi ako sanay nang mag-isa lang lagi. I find comfort in camaraderie while on the other hand, I find awkwardness on being alone.

Umupo na lang ako sa bench na kung saan may dalawang lalaking nakaupo. Ang isa sa kanila ay si Lucan, ang team captain ni Marco. I didnt bother sitting beside them as I get my phone. I start typing a message on our Group Chat.

I hit the send button.

You

Saan kayo? I'm free, gala tayo.

I placed my cell phone on my lap as I look around. Suddenly, I heard the other guy beside me. "Dude, ang sarap niya. Ang swerte mo talaga! Next time, ako naman ang iisa diyan."

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon