Episode 24

3.4K 282 91
                                    

Nagsimula na kaming lumakad at libutin ang mga booth. Nauuna sa amin sina Vaeden at Magne na nag-aasaran pa rin. As usual, si Magne lagi ang asar talo. Kasunod nila ay si Diyes na nililibot ang tingin sa paligid. Para talaga siyang nawawalang bata habang palinga-linga ang ulo sa paligid.

Kami naman ni Marco ang nasa huli nila. Ngayon ay naka-akbay siya sa akin. Hindi ko maiwasang mailang pero sinubukan kong magmukhang normal. 'Yung parang okay lang ang lahat. 'Yung tipong wala akong tinatagong sakit sa kanya.

"Guys, bili tayo ng hair bands!" Masiglang sambit ni Magne. Nakaturo ang kamay niya doon sa booth na nagtitinda ng iba't ibang design ng hair bands. Wala kaming magawa kundi ang sundan siya noong bigla siyang tumakbo papunta doon.

Nang nandoon na kami ay mabilis kong kinuha 'yung may devil design at saka isinuot 'yon kay Marco. Natatawa akong tinititigan siya. "Bagay na bagay sa 'yo."

He frowned at me then grabbed the one with Minnie Mouse design. "Ito, bagay din sa 'yo."

I smile widely. "Kasi cute ako katulad ni Minnie Mouse?"

He pursed his lips as if he is preventing himself to laugh. "Kasi maliit ang mga daga, 'di ba?"

Doon lang nag-sink sa akin ang gusto niyang iparating kaya naman pinaghahampas ko siya sa braso niya nang malakas. Lokong 'to, trip lagi ang height ko!

Inirapan ko na lang siya at saka ibinaling ang tingin kay Ben 10. Ngayon ay para siyang inosenteng bata na in-o-obserbahan ang mga hair bands na parang science project.

Kinulbit ko siya. Then I smile widely when his gaze turned on me. "How was it?"

He blinked. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa hair band at a mukha ko bago sumagot. "It's . . . cute."

Dahil sa sinagot niya ay lumawak ang pag-ngiti ko. Ito ang gusto ko kay Ben 10, eh! Uto-uto!

Sa saya ko ay kinuha ko tuloy ang hair band na may angel na design at isinuot iyon sa kanya. Siya ay para talaga inosenteng bata na kinapa-kapa iyong isinuot ko sa kanya.

"Malabo lang ang mga mata ni Ben 10. Maniwala ka diyan." Singhal ni Marco habang may nakakalokong ngisi.

"Ikaw kaya ang malabo ang mga mata. Sige nga, sino ba sa inyo ang naka-eyeglass ngayon?" I backfired with a poker face.

Maya-maya pa'y nakarinig kami ng malakas na pagtawa mula kay Magne kaya napatingin kaming tatlo sa kanila ni Vaeden. Sinuutan niya pala ng hair band na may dog ears na design si Vaeden.

"Ayan! Bagay na bagay sa 'yo! Mukha ka kasing aso!" Sambit niya habang malakas pa rin ang pagtawa. Mabuti na lang at punong-puno ng tao ngayon sa daan kaya't walang nakakapansin sa ingay na ginagawa namin. Tiyak, pagkakamalan nila kaming mga baliw.

Kinuha ko naman ang hair band na may cat ears na design at saka ito isinuot kay Magne. "Ayan, para bagay kayo."

Matapos kong sabihin iyon ay nag-"Ayie" kami ni Marco. At pati na rin ang ibang mga customers na pinapanood kami. Iyon ang dahilan kung bakit biglang namula ang mga pisngi ni Magne. Ngayon ay naka-smirk na sa kanya si Vaeden habang nag-ta-taas baba ang kanyang mga kilay. Tila bang inaakit niya ang best friend ko.

Ilang saglit pa, bago magkalimutan ay nagbayad na rin kami.

Nagpalipat-lipat kami ng mga booth. Kaliwa't kanan ang ginawa naming pagkain habang patuloy na naglilibot. Pakiramdam ko nga'y punong puno na ang tiyan ko dahil sa kabusugan.

Naglaro din kami sa mga booth na may palaro katulad ng basketball game na padamihan ng mashu-shoot na bola. As expected, si Marco ang nanalo sa amin.

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon