Chapter 4

89.8K 4.3K 4K
                                    

[Chapter 4] Featured Song: "Pareho ng Damdamin" by Lyle Mesina

Mabilis akong nakapagtago sa likod ng isang pader. Hawak ko sa tapat ng dibdib ko ang folk dance na cassette tape. 

"Sinong susundo sayo ngayon?" hindi ko alam pero parang biglang sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Leo. Hindi pala ako ang totoong pinupuntahan niya dito. Hindi pala ako ang sinusundo niya. "Si kuya Mil, don't worry hindi naman madaldal ang driver namin" sagot ni Chelsea at narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.

Sinubukan kong sumilip kahit kaunti pero agad akong napaatras nang magawi ang mata ni Leo sa pinagtataguan ko. "Nasaan pala si Aries? Hindi pa ba kayo tapos sa meeting?" napapikit na lang ako ng mata, sa tuwing naririnig ko ang boses ni Leo na may kausap na ibang babae mas lalong sumisikip ang puso ko.

"Tapos na kami. Nauna kami ni Tim bumaba, pumunta pa ata siya sa C.R. Sinundo na rin si Tim ng papa niya kaya ako na lang mag-isa ngayon dito" tugon ni Chelsea, hindi ko rin maitatanggi na ang ganda at ang lambing ng boses niya sa tuwing nagsasalita.

"Alam na ba niya?" habol pa ni Chelsea, napadilat ako at parang sandaling tumigil ang oras nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi naman agad nakapagsalita si Leo, hindi ko alam kung umiling ba siya o tumango.

"Hindi" sagot ni Leo. Sandaling naghari ang katahimikan sa paligid, hindi na nagsalita si Chelsea.

"Leo, paano kung---" hindi na natapos ni Chelsea ang sasabihin niya dahil narinig namin ang pagbukas ng gate. Kasunod niyon ay pumasok ang isang mamahaling kotse na Nissan Cefiro at tumigil sa harap nina Chelsea at Leo. "Kuya Mil" ngiti ni Chelsea, tumango naman ang driver nila. Madalas din kaming isabay noon ni Chelsea sa sasakyan kapag papunta kami ni Tim sa bayan. Madalas niya rin sinasabay si Tim pauwi dahil pareho lang sila ng dadaanan pero ngayong gabi sinundo si Tim ng papa niya.

Dahan-dahan ko silang sinilip, pinayungan na ni Leo si Chelsea pasakay sa kotse nito. Inilagay na rin niya sa likod ang mga gamit ni Chelsea na binitbit niya sandali. "Una na kami Leo, thank you" paalam ni Chelsea, sa malambing na tono pa lamang ng pananalita niya ay alam kong masaya siyang kausap si Leo.

Tumango naman si Leo bago niya sinara ang pinto ng kotse. Humakbang siya paatras habang nakasuksok ang isang kamay niya sa bulsa ng short at hawak naman niya ang payong gamit ang isa niyang kamay. Bumisina ng dalawang beses ang kotse bago ito lumiko at derechong lumabas ng gate.

Sumaludo naman si kuya guard sa kotse bago niya ito isara habang nakasuot ng kapote. Sinilip ko ulit si Leo, hindi ko alam kung dapat na ba akong magpakita o hindi. Siguradong tatanungin niya kung nasaan ako. Mas mabuti siguro na unahan ko na lang siya makauwi.

Natanaw kong naglakad muna siya papunta kay kuya guard at kinausap ito sandali bago siya bumalik ulit sa hallway. Tiningnan niya ang suot niyang relo bago siya umakyat sa itaas. Dali-dali akong tumakbo papunta sa gate. Ginamit ko na lang panangga sa ulan ang bag ko. "Kuya, sa akin po pala 'yung cassette tape na 'yan" tawag ko sa kaniya sabay turo sa cassette niya, napalingon siya sa'kin habang pinapagpagan ang kapote niyang basang-basa na rin sa ulan.

"Alin?" nagtataka niyang tanong sabay tingin sa cassette niya na patuloy pa ring tumutunog. "Boses mo 'to?" tanong niya ulit na para bang hindi siya naniniwala. Napahinga na lang ako ng malalim saka gumilid muna at nakisilong sa guardhouse.

"Sayo talaga 'to?" ulit niya pa, napatango ako ng mabilis. Hindi na rin ako mapakali dahil baka makababa na si Leo at maabutan niya pa ako dito. "May pangalan ko po 'yan, kuya. Aries Jane Fernandez" pagmamadali ko, kinuha naman ni kuya guard ang case ng tape saka binasa ang pamagat at ang pangalan kong nakasulat doon.

"Just Stay. Ang ganda ng kanta at boses mo ah" ngiti ni kuya habang tumatango-tango. Kinuha na niya ang tape sa cassette at inabot iyon sa'kin. "Paano ba napunta---" hindi na natapos ni kuya guard ang sasabihin niya dahil bigla siyang napalingon sa hallway. "Hijo, siya ba ang hinahanap mo?" tawag ni kuya guard na mukhang may kausap sa hallway sabay turo sa'kin.

Leo and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon