"Abot Kamay" Lyrics

45K 1.9K 37
                                    

Title: Abot Kamay

Original Song by: Elli and Angel

Youtube Channel: Elli and Angel

Copyrights @ Elli and Angel 2019


Ano nga bang pumigil?

Nanlalamig ang kamay

Nang bigla kang tumingin

Muntik nang mahimatay


Ika'y lalapit

Ako'y iiwas

Di naipilit

Pag-ibig kong wagas


Bakit di ko sinabi?

Ngayon ako'y nagsisisi

Sana noon pa binigay

Habang ikaw ay abot-kamay, abot-kamay, abot-kamay


Ano nga bang nagbago?

Bigla ka na lang naglaho

Dati wala lang sakin to

Ngayon ay hanap ka ng puso ko


Ako'y lalapit

Ika'y iiwas

Di naipilit

Pag-ibig kong wagas


Bakit di ko sinabi?

Ngayon ako'y nagsisisi

Sana noon pa binigay

Habang ika'y abot-kamay


Kung kailan handa na ko

Sasabihin ko na dapat sayo

Bakit di mo nahintay?

Ngayon ay di ka na


Abot kamay

Sana noon pa binigay

Ngayon ay di ka na abot kamay


Bakit di ko sinabi?

Ngayon ako'y nagsisisi

Sana noon pa binigay

Pag-ibig ko'y wala ng saysay


Lalalalalalala

Bakit di mo na nahintay


Lalalalalalala

Pag-ibig ko'y wala ng saysay


Lalalalalalala

Di na kita abot kamay


Please like, comment and subscribe to their youtube channel (Elli and Angel). Maraming Salamat!

Leo and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon