Chapter 7

80.6K 3.8K 3.6K
                                    

[Chapter 7] Featured Song: "This Love Hurts" by Leah Buo

"Masakit ba talaga ulo mo?" usisa pa ni Gian habang tinititigang mabuti si Adrian na ngayon ay gulat lang na nakatingin sa kanilang dalawa ni Leo habang hawak ang bola ng basketball. "K-kanina... Pero okay na ko ngayon. Ano? Tara! Laro na!" tugon niya sabay tayo at parang masiglang kiti-kiti na nag-dribble ng bola sa harap namin.

Nagtataka naman kaming nakatingin sa kaniya "Tara na nga" aya niya sabay bato ng bola kay Gian na agad din naman nitong nasalo. "Ang bilis mo naman gumaling" hirit nito at nagsimula na silang maglakad papunta sa basketball court na malapit lang din sa playground.

Hinubad ko na ang roller shoes, nagulat ako nang biglang naglakad si Leo sa tapat ko. Nauuna nang maglakad sina Adrian at Gian at tila hindi nila napansin na hindi nakasunod si Leo sa kanila.

"Marunong ka mag-roller skate?" tanong niya, hindi ko siya tiningnan habang nagpapalit ako ng sapatos. Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya. "Tinuturuan ka ni Adrian?" tanong niya ulit, hindi pa rin ako tumingin sa kaniya. Inilagay ko na ang pares ng roller shoes sa malaking paper bag.

"Hindi, napadaan lang 'yon" sagot ko habang nagkukunwaring abala sa pagliligpit ng sapatos at mga gamit ko. "Marunong din ako mag-roller skate, tuturuan kita" patuloy niya pa, napapikit na lang ako sa inis, pero siguro baka akalain ni Leo na naiinitan lang ako. Kung sabagay, hindi ko naman dapat siya sisihin dahil wala naman siyang ideya na nahuhulog na ako sa kaniya at kailangan ko siyang iwasan para hindi ito lalong lumala pa.

Nakatayo lang siya sa tapat ko pero amoy na amoy ko ang gamit niyang polbo at shampoo. Maging ang amoy ng sabon na sa tingin ko ay hindi sila nagpalit ng brand ni lolo Gil mula pagkabata niya.

"Okay lang, kaya ko 'to" iyon na lang ang nasabi ko saka tumayo na at naglakad papalayo. Alam kong may sasabihin pa siya pero hindi na rin niya siguro itinuloy dahil dere-derecho akong naglakad nang hindi lumilingon pabalik. Wala naman na akong dapat balikan, hindi ko na kailangan pang pilitin ang pag-ibig na wala rin namang patutunguhan.

Pagdating sa bahay, naabutan ko si mama na nagmamadaling magsandok ng kanin para kay Axel. Bihis na bihis siya ngayon at basa pa ang buhok niya, kakatapos niya lang maligo. Suot niya ang paborito niyang red dress at red shoes. Napansin kong naka-make up at pulang-pula rin ang labi niya.

"Oh, Aries. Halika, asikasuhin mo muna si Axel" panimula ni mama nang maramdaman niyang bumukas ang pinto. Ni hindi niya pa nasisigurado kung sino ang pumasok pero inasahan niya na ako na nga iyon.

Napatingin ako sa telepono na hindi na maawat sa pag-ring, ibinaba ko na ang mga gamit ko at akmang maglalakad papunta sa telepono para sagutin iyon kaya lang naunahan ako ni mama. "Ako na, ako na. Pakainin mo na muna si Axel" saad niya, saka sinagot ang tawag. Narinig ko na nag-english pa siya, kausap niya siguro ang Chinese boss niya.

Naabutan ko si Axel sa kusina, nilalaro niya sa ibabaw ng mesa ang mga beyblades na paboritong-paborito niya. "Axel, kain muna" saad ko sabay kuha ng maliit na mangkok na nilalagyan ni mama ng kanin kanina. Sinandukan ko rin ng ulam iyon saka inilapag sa tapat ng kapatid ko.

At dahil mukhang hindi siya interesado kumain, kinuha ko muna ang laruan niya "Kapag hindi ka kumain, kukunin 'to ni Mojojojo" panakot ko sa kaniya, muntikan na siyang mag-tantrums pero dahil mukhang mas takot siya kay Mojojojo, wala na siyang nagawa kundi kumain kahit napipilitan lang.

Napalingon ako kay mama na ngayon ay kakababa lang ng telepono "Ma, saan ka pupunta?"

Sinuklay na niya ang mahaba niyang buhok na tumitilamsik pa dahil basa pa ito. "May meeting kami sa Laguna pero makakauwi rin naman ako agad bago mag-alas sais"

Leo and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon