Chapter 6

78.8K 4.1K 6.3K
                                    

[Chapter 6] Featured Song: "Without You" by Eica Cabalcar

"Ano? Tama ako 'diba?" ulit pa niya dahilan para mapatigil ako sa pag-iyak at mapatulala lang sa kaniya. Masyado bang halata ang pagkagusto ko kay Leo? Sinabi ba nila Gwen at Jessica kay Adrian?

"O' di ka na makapasalita diyan" tawa pa niya, binato ko na lang sa mukha niya ang panyong inabot niya kanina. "Hoy, ang baboy mo, ano ba 'yan" reklamo niya, siguro dumikit sa kaniya 'yung sipon ko.

"Nababaliw ka na" iyon na lang ang sinabi ko saka dali-daling tumayo na parang robot at nagmamadaling tumakbo papalayo. "Inlab si Aries!" sigaw niya, agad kong tinakpan ang magkabilang tenga ko habang tumatakbo ng mabilis sa hallway.

Hindi ko alam kung sino ba ang dapat kong sisihin, dahil ba sa kilos at tingin ko kapag kasama namin si Leo? O dahil sa pagiging tsismoso ni Adrian? Ako yata ang mababaliw!

Napatigil ako sa office ni Mr. Conrado nang maalala ko na may pinapakuha nga pala sa akin doon. Pagbukas ko ng pinto, naabutan kong naroon si Gian hawak-hawak ang isang brown envelope. "O, Aries, saan ka galing?" nagtataka niyang tanong, mukhang siya na ang inutusan dahil sa tagal ko bumalik.

"Ha? ah--nag-C.R lang ako" sagot ko sabay punas ng luha, napasingkit pa ng mata si Gian saka inayos ang salamin sa mata na suot niya para titigang mabuti ang mukha ko. "Bakit namamaga mata mo?" habol pa niya, napaatras na lang ako sa kaba. Isa pa 'tong si Gian nahawa sa pagiging tsismoso ni Adrian.

Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko si Leo, "Yung certificate daw, nagagalit na si Sir Dan" saad niya sabay tingin sa aming tatlo. "Lagot kayong tatlo, ang tagal niyo raw" habol pa niya, napatakbo naman agad si Gian na parang kasali siya sa Amazing race.

Tumakbo na lang din ako at sumunod sa kaniya sa takot na ilaglag ako ni Adrian dahil nakita kong ngumisi pa siya sa'kin nang dumating si Leo. "Hoy, kamatis, hinatyin mo ko!" sigaw ko na parang wala lang nangyari, na parang hindi ako nasaktan at umiyak kanina. Siguro 'ganon talaga tayo, kahit nasasaktan na, pinipili pa rin natin ngumiti at magpanggap na masaya, huwag lang nila tayo tanungin kung may problema ba.

Napalingon ako sa likod at nakita kong tumatakbo na rin si Adrian kasunod namin, nakangisi pa siya na parang sinasabi niya na tumatakas nga ako kay Leo. Nakakainis talaga!

At dahil sa inis, mas binilisan ko ang takbo sa hallway dahilan para maunahan ko pa si Gian. "Hoy, Aries ito 'yung certificate" sigaw niya sabay wagayway sa ere ng brown envelope habang tumatakbo. "Ibato mo!" sigaw ko, hinanda naman niya ang sarili niya saka inirolyo ang brown envelope at binato sa'kin.

Wala na kaming pakialam kahit pa nakatingin na sa amin ang ilang estudyante sa hallway. Wala rin kaming pakialam kahit tamaan sila nung nakarolyong envelope na ibabato ni Gian sa akin. Siguro 'ganon talaga kapag nagmamadali ka, wala ka nang pakialam sa lahat ng tao at bagay na nakapaligid sayo.

Nang masalo ko iyon, tumakbo ako ng mabilis. Sa aming apat, ako pa rin ang pinakamapapagalitan ni Sir Dan dahil ako ang unang inutusan niya kanina. Bumagal ang takbo ko nang malapit na kami sa entablado dahil marami nang bisita na nakatayo sa likod.

"Aries dito!" tawag ni Gian sabay hila sa'kin papunta sa gilid, nakasunod na rin sina Adrian at Leo na para bang damay-damay kami kapag napagalitan ang isa. Pagdating namin sa backstage sabay-sabay kaming napatigil sa tapat ng pintuan nang maabutan naming nakatayo roon si Sir Dan habang nakapamewang pa.

Napatitig na lang ako sa pito na kulay pula na nakasabit sa leeg niya. "Akin na" panimula niya na ikinasindak naming apat. Nanginginig kong inabot sa kaniya ang brown envelope na naka-rolyo pa. Tinitigan niya ito sandali na para bang ito ang pinakamahalagang papel sa buong mundo at ngayon ay nirolyo lang namin. "Hintayin niyo ako sa faculty office mamaya" patuloy niya habang seryosong nakatingin sa amin. Narinig ko pa na napalunok si Gian sa kaba at muntikan pa siyang maihi.

Leo and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon