"Gusto Kita" Lyrics

49.3K 1.8K 13
                                    

Title: Gusto Kita

Original song by: Elli

Youtube channel: Elli and Angel

Copyrights @ Elli 2019


Alas-sais ng hapon

Sa gitna ng maraming tao

Galing sa eskwela

Di alintana ang gulo


Sabay na tinatahak ang daan

Saglit na sumulyap sayo

Napangiti ako nang

Tumingin sa mata ko


Habang tayo'y naglalakad

Hindi na natin kailangang ilahad

Pag-ibig na hinahangad

Tibok ng puso ang magsasaad


Alas-dose na ng hating-gabi

Hindi pa rin makatulog

Kausap ka sa telepono

Kinikilig nang marinig ang boses mo


Habang kinakausap kita

Ang puso ko'y sumasaya

Kahit na alam mo na

Sasabihin ko pa rin na gusto kita


Habang kinakausap kita

Ang puso ko'y sumasaya

Kahit na alam mo na

Sasabihin ko pa rin na gusto kita


Please like, comment and subscribe to her youtube channel (Elli and Angel). Maraming Salamat!

Leo and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon