Chapter 9

82.1K 4K 7.3K
                                    

[Chapter 9] Featured Song: "Afflictive Love" Lyle Mesina

"Ano 'yan?"

"Akin na nga 'yan!"

"Ang jologs mo talaga!'

"Akin na kasi!"

Tulala lang ako sa classroom habang nagkakagulo ang mga kaklase ko. May kani-kaniya silang pinagkakaabalahan habang wala pa ang teacher namin sa first subject. May naglalaro ng baraha, nagbabatuhan ng bola, nanggigigil sa rubics cube at may mga babaeng nagkukumpulan habang binabasa ang slam book ng kabilang section.

Nakatitig lang ako sa blackboard kung saan nakasulat sa gilid ang Assignment pero wala pang nakalagay. Hindi mawala sa utak ko ang nilaro naming spin the bottle kagabi sa labas ng bahay nila Gian.

"Posible bang magkagusto ka kay Aries?" nakangiting tanong ni Chelsea kay Adrian nang matapat sa kaniya ang bote. Nakisali rin sa asaran si Gian na ngayon halos ay mapunit na rin ang mukha sa laki ng kaniyang ngiti. Nakatingin naman si Leo sa sahig habang si Adrian ay tulad kong nagulat sa tanong na iyon.

Magsasalita sana ako nang biglang magsalita si Adrian "Bakit hindi?" derecho niyang sagot na ikinagulat naming lahat. Napasigaw pa sa kilig si Chelsea. Napawi naman ang ngiti ni Gian na parang biglang nagtaka.

Gulat naman akong nakatitig kay Adrian "Mabait, talented, masipag, matalino at maganda naman si Aries... Bakit walang magkakagusto sa kaniya?" patuloy pa niyq dahilan para mas lalong umingay si Chelsea.

Napatingin ako kay Leo na hanggang ngayon ay nakatingin lang sa sahig, "Pero syempre joke lang 'yon" bawi ni Adrian sabay tawa ng malakas. Natahimik naman kaming lahat, parang bigla niya kaming binagsakan ng bomba at ngayon ay nasa kaniya ang huling halakhak.

"Masungit, antukin at mukhang bigas 'yan si Aries kaya walang magkakagusto diyan" dagdag pa ni Adrian sabay tawa ng malakas. Hindi ko alam kung anong masamang elemento ang sumapi sa'kin dahil gusto kong hambalusin ang mukha niya ngayon.

Napabusangot na lang ng mukha si Chelsea, natawa na lang din si Gian at nakisali na siya kay Adrian sa pang-aasar sa'kin. Tiningnan ko si Leo na ngayon ay pinipigilan na rin niya ang tawa niya. "Anyway, don't worry Aries, may ipapakilala ako sayo na kapatid ng friend ko sa Manila. Graduating na siya sa high school this year and he's so cute and charming" ngiti ni Chelsea sabay hawak sa kamay ko.

Taas noo ko naman silang tiningnan. Siguro dapat ko nang patulan ang mga pen pal na inaalok din nina Gwen at Jessica. Maging si Chelsea ay naniniwala rin pala sa mga ganon. "Ang tanong, magugustuhan ba ng lalaking 'yon si Aries?" tawa ni Gian na halos lumagapak sa sahig sa sobrang tawa. Hindi ko alam kung dapat akong mainis o matawa sa kanila pero nang dahil sa hitsura ni Gian ay natawa na lang din ako.

"Aries!" natauhan ako nang tawagin ako ni Gwen sabay akbay. Hindi ko namalayan na nakatayo na sila ni Jessica sa magkabilang gilid ko. "Kawawang ballpen" saad ni Jessica sabay hila sa ballpen na kagat-kagat ko.

Ni hindi ko rin namalayan na nginangatngat ko na pala ang dulo ng ballpen ko. "Hala, Uy! Ano 'to?" gulat na saad ni Gwen nang makita niya ang isang pink na letter na nakaipit ilalim ng upuan ko. Bago ko pa iyon maagaw sa kaniya ay mabilis na niya itong nabuklat.

"Roses are red, violets are blue, I hope you like me too" napanganga kami nang mabasa iyon. May mga drawing pa ng pulang puso sa buong letter na mas nakadagdag sa pagiging cheesy nito. "Kanino galing 'yan?" tanong ni Gwen sabay agaw ng papel na iyon sa kamay ni Jessica.

Binaliktad niya iyon saka binasa ang nakasulat sa likod "To my dearest Aries... From Your Falling Star? Seryoso ba 'to?" tawa ni Gwen na sinabayan din ng nakakabinging halakhak ni Jessica. "Akin na nga 'yan!" reklamo ko sabay agaw ng papel sa kanila. Ganitong-ganito rin 'yung inabot sa'king letter ng freshman na babae noong isang araw na mukhang inutusan lang siya iabot sa'kin iyon.

Leo and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon