Prologue

30.2K 618 204
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Also, I'm not a med student so feel free to correct me. :))


Prologue 

Patapos na ang second sem ng third year namin, ginagawa nalang namin yung ibang requirements na kailangan ipasa.

Medyo alive pa nga kami ngayon, ewan lang kapag naging fourth year na kami kung hindi pa kami ma-deads. Sana naman hindi pa dahil papasukan pa namin ang med-school. 

Nandito kami sa terrace ng Mcdo sa may General Luna na nasa Assumption road. Kasama ko sina Gail at Iverson. Mga kaibigan ko simula pa nung first year kami sa Nursing. 

Nakatapat kami ngayon sa laptop namin. Ewan ko ba kung bakit sinasabi nila na wala ka raw marereview kapag kasama mo mga kaibigan mo o walang matatapos na requirements kapag magkakasama. Pero kami, mas may natatapos kami kapag magkakasamang gumagawa o nagrereview. 

Siguro kasi kaibigan namin si Iverson na seryoso sa pag-aaral niya. Siya na nga siguro ang batch valedictorian namin. Nakakapressure kasi kapag nakita mong nagbabasa ng seryoso si Iverson, kaya wala kaming magawa ni Gail kung hindi magbasa nalang din. 

Estudyante pa lang kami pero sa school at hospital na umiikot ang buhay namin. Paano pa kaya kapag naging doctor na kami? Iyon ang pangarap naming tatlo, kaya bibigay namin ang best namin para maabot ang pangarap. 

Dreams; don't make it just a dream, reach it. 

Sumpa yata sa mga med-student na walang jowa. Kagaya naming tatlo, mas focus siguro sa pag-aaral kaysa mag jowa. Nakaka-distract din naman magkaroon ng jowa, lalo na kapag nagkakaproblema na. 

"Tapos na kayo?" Tanong ni Gail habang nagtatype pa rin sa laptop niya. Kinain ko muna kasi yung in-order kong fries at burger. Ginutom na ako. 

"Hindi pa, kain lang ako" sagot ko sakaniya. May ipapasa kasi kaming paper works mamaya. Individual siya. So, it takes time. 

"Pagod na ako," ranta agad ni Gail tiyaka sumandal sa upuan. "Hindi ko na kaya!" Madramang dagdag pa niya. "Ayoko nang mag-aral!" 

Funny how we say those things kahit na in the end, gagawin at gagawin pa rin natin. Parang sa pag-ibig, kahit na sabihin mong ayaw mo na siya pero babalik at babalik ka pa rin sakaniya. 

Pinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip ko, masama atang mag marathon ng isang kdrama series, kung ano-ano na naiisip ko. Kasalanan ni Gail e, sinuggest niya kasi ang While You Were Sleeping na kdrama nung favorite oppa niya raw, ang ganda ng twist kada episode kaya namarathon ko na pala nang hindi ko namamalayan. 

Napatingin ako kay Iver na seryoso pa rin sa paggawa ng paper works niya. Siguro kung hindi dahil kay Iver, tatamarin kami lagi ni Gail na magreview o gumawa ng nga schoolworks. 

Procrastinating is really our talent. 

Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang tumunog. May notifications. Kaagad kong naagaw ang atensiyon ni Iverson. 

"No cellphone," pagpapaalala niya, isa kasi iyon sa rules namin for studying. 

"Tingnan ko lang, baka importante," si kuya Nathan kasi yung nagmessage. 

Kuya Nathan: 

Burger mcdo, bff fries and chicken spicy. Slu hospital. 

Ang epal talaga. Pero baka wala siyang time dahil third year na siya sa medicine, naintindihan ko naman siya dahil ako nga na nasa pre-med pa lang halos wala ng oras siya pa kaya? 

"Saan ka pupunta?" Agad na tanong ni Gail nang tumayo ako. Napatingin din sa akin si Iverson. 

"Pagdadalhan ko lang ng pagkain si kuya Nathan," tumango si Iverson ganon din si Gail. Mukhang desididong agad tapusin ni Gail ang kaniya dahil hindi siya sasama. 

In-order ko na ang sinabi ni kuya Nathan kaya tumuloy na ako sa slu hospital. Pagkapasok ko roon, nilabas ko agad ang phone ko para tanungin kung nasaan siya. Hindi ko pa kabisado ang hospital na ito dahil hindi naman ako nag-aaral dito. 

Luminga-linga ako baka sakaling makita ko siya pero iba ang nakita ko. Isang lalaking seryosong nakikinig sa lalaking doctor. He's wearing black pants, white polo and his coat. 

Ang gwapo. 

Kahinaan ko nga siguro ang mga med student. 

"Huy!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa pagsulpot ni kuya sa harapan ko. "Crush mo?" Tanong niya sa akin. 

"Anong pangalan?" Kaagad na tanong ko. Mukhang kakilala niya tiyaka hindi naman ganon kalaki ang slu hospital para hindi niya makilala iyon. 

"Crush mo nga!" Natatawang sabi niya sa akin tiyaka kinuha ang pinabili niya. 

"Ano nga?" Naiirita talaga ako kapag si kuya Nathan ang nang-aasar sa akin. Iba siguro talaga ang inis kapag kadugo mo nang-asar. 

"Jonas Lorenzo Tan. @jonastan sa twitter, mas active siya roon" 

That was the first day I met him and the first day I'm interested with a man. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon