Chapter 17

6.7K 218 53
                                    

Chapter 17

"Anong ginagawa niyo rito?" Masayang tanong ni Gail. Naradaman ko ang paglapit ni Iver sa tabi ko, pinagitnaan na tuloy nila ako ni Gail. 

"Unwind lang, diba Josh?" Natatawang sagot ni Jonas habang nakatingin sa lalaking nasa gitna nila na para bang nang-aasar. Probably, Josh is his name. 

"Ah this is Joshmer and Joaquin, my cousin," pagpapakilala ni Jonas sa mga kasama niya. Tumango sa amin si Josh at ngumiti naman si Joaquin. "Sina Gail, Daisheen and Iver," ngumiti lang ako sakanila. 

"Anong oras kayo dumating?" Indeed, Gail is really good with interacting with people. 

"Kaninang madaling araw," sagot ni Jonas. "Buti natuloy kayo?" Bumaling siya ngayon sa akin nang nakangiti "Ayos ka na ba?" Nahihiya akong ngumiti sakaniya. 

"Ayos lang," medyo naiilang na sagot ko dahil nakangisi sa akin si Joaquin. 

"Do you guys want to drink?" Tanong ni Joaquin "I mean, just chill" he shrugs his shoulder. 

"Pass," mabilis na sagot ni Iver bago pa man makasagot si Gail. Napanguso tuloy si Gail sa pagsingit ni Iver. "Midterm na next week, kailangan naming mag review," paliwanag ni Iver. 

"Medicine field din kayo?" Singit ni Joshmer. I don't know but there is something in Joshmer's eyes, sadness? 

"Yup! Pre-med pa lang," masiglang kuwento ni Gail. "Kasama niyo girlfriend niyo? We can be friends with your girl!" Masayang dagdag pa nito. Bahagya pang luminga si Gail para tingnan kung may kasama ba sila, kahit na hindi ganon kaliwanag para makakita sa malayo. 

Biglang napaubo si Jonas. Nag-iba ang awra ng dalawang pinsan niya, pati na si Joaquin na kanina lang pangi-ngisi ay bumusangot. Na-offend ba sila sa tanong ni Gail? Wala naman nakaka-offend don, in fact we really want to meet some new friends. 

Or they are not really comfortable talking about their love life? Who would be comfortable talking about your life with a stranger? 

"We don't do that here," Joaquin tried to joke but there's no humor in it, he even gestured his hand while saying that. "We don't have girlfriends. We're here to have some bond with my cousin. Adulting makes you grow apart from the person whom you used to grow," makahulugang wika niya sa amin. 

Bahagyang napatango si Gail habang nakaawang ang labi. Siguro ay nagegets na niya na may problema sa pag-ibig ang dalawang pinsan ni Jonas. 

"If you'll excuse us," singit ni Iver sa amin tiyaka ako hinawakan sa braso "Nice chatting with you, see you around," paalam niya. Nagpaalam na rin sakanila si Gail. Kumaway kami sakanila hanggang sa hindi nanamin sila makita. 

Naglakad kami papunta sa room or villa namin. Malapit lang naman, nadaanaan pa namin ang pool tiyaka yung parang gazebo, may isang couch na good for two or three person. May dalawang nakasabit pa na upuan sa magkabilaang gilid. 

"Bakit ba mukhang nagmamadali ka?" Tanong ni Gail kay Iver. Mukhang gusto pa ngang makipagkuwentuhan ni Gail dahil may inuman. 

"Kasi magrereview pa tayo." Sagot ni Iver sakaniya habang binuksan ang pintuan ng villa namin. 

Actually, halos lahat ng room and villa dito isang king size bed lang at sofa ang mayroon sa isang room. Pero ewan ko kung paano nakahalungkat ni Gail ang dalawang king size bed at isang maliit lang na sofa. 

Pagpasok namin ay kaagad nang kinuha ni Iverson ang dala naming mga modules, handouts and such. Kinuha ko na rin ang amin, samantalang si Gail ay nasa pantry area at binuksan ang maliit na ref sa ilalim para kumuha ng san mig beer, meron kasing san mig beer sa reft, kasama na sa fee. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon