Chapter 26

6.6K 193 92
                                    

Chapter 26

"Huh?" Nagtatakang tanong ko kay Iverson. Parang hindi nagprocess sa akin ang sinabi niya. 

O ayaw ko lang i-process sa akin ang sinabi niya. 

"Wala, tara na." Tiyaka siya tumayo at pinagpagan ang shorts niya. Nilahad niya ang kamay niya sa akin para tulungan akong tumayo.

Tinanggap ko ang kamay niya para makatayo na rin ako. Kagaya ng ginawa niya ay pinagpagan ko na rin ang short ko. Iniiwasan niya ang tanong ko, bakit? 

"Anong sabi mo kanina?" Paglilinaw ko sa tanong ko dahil baka hindi niya magets. 

Gusto ko lang maging malinaw ang sinabi niya kanina. Ayaw ko kung ano man ang tumatakbo sa isipan ko ngayon dahil baka mali lang ang pagkakaintindi ko. O mali talaga ang pagkakaintindi ko. 

I really don't want to think some malicious thing on Iver, he is my best friend. We're best friend.

"Wala. Tara na, hindi ka nakapagpaalam kay tita." Parang inaalis niya ang usapin na iyon tiyaka naalala kong hindi nga pala ako nakapagpaalam kay mama. 

Habang naglalakad kami papasok sa cafe, dahil doon dadaan palabas at nandoon ang parking. Tinetext ko si mama na pumunta kaming LU at pauwi palang. Nagpaliwanag ako na biglaan lang at nakalimutan kong magpaalam. 

"Don't do that again." Napasulyap ako sakaniya nang sinabi niya iyon. Paakyat na ulit kami sa Baguio. 

"What?" Nagtatakang tanong ko sakaniya. 

"Not updating your mom." Bigla akong natigilan sa sinabi niya. See? How would the girl he likes turn him down? 

"Nakalimutan ko lang," pagdadahilan ko na tila ba sapat na dahilan iyon para ma-justify ang ginawa ko. "Tiyaka hindi mo agad pinaalala sa akin!" I pointed at him, he chuckled. 

"Typical girls," umiiling na sabi niya habang tumatawa. "Ako pa talaga ang may kasalanan?" Hindi makapaniwalang tanong niya. 

"Kung pinaalala mo agad edi sana kanina ko pa na-message si mama." Pagdadahilan ko pa para suportahan ang sinabi ko kanina. 

"Wow?" Hindi makapaniwalang sabi pa niya "Hinihintay kita kanina, tiyaka para hindi mo na makalimutan sa susunod." Sabi niya "Mas natututo tayo kapag nagkakamali tayo, hindi natin malilimutan ang pagkakamali natin kaya hindi nanatin pa ito uulitin sa susunod. That's why mistakes are lessons in disguise." 

"Grabe talaga mga words mo ano? Kung aamin ka sa taong gusto mo, magugustuhan ka non. Kahit may gusto siyang iba." I said with so much assurance now. 

"I already did." mahinang bulong niya. Naagaw niya ang atensiyon ko kaya imbis na sa daan ako nakatingin ay napatingin ako sakaniya na seryosong nakatingin sa dinadaanan namin. 

Imagination ko lang ba pero mukhang ang lungkot ng mga mata niya. 

"Anong sabi niya?" Marahan na tanong ko dahil haka hindi siya kumportable na pag-usapan namin iyon. 

"Her attention was on the guy she likes." He shrug his shoulder as if it's not bothering him but when you look into his eyes you see; sadness. 

"If that's the case then the girl is stupid," seryosong wika ko. Naiinis tuloy ako sa babae! Anong karapatan niyang saktan ang kaibigan namin? Tiyaka, almost perfect na nga itong si Iverson e. 

Ano bang flaws niya? Tahimik minsan. Seryoso masyado. Tiyaka perfectionist! Iyon ang nakikita kong flaws niya pero all in all? Iverson is such an ideal man! Lagi ko nalang sinasabi! Sana makilala ko ang babae para sakaniya ko sabihin. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon