Chapter 13

6.8K 234 68
                                    

Chapter 13 

"Alam ba ng kuya mo na pupunta tayo sa gymnasium nila?" Tanong ko kay Gail na ngayon ay nag-aayos ng buhok. Kakatapos nga lang niyang mag powder at tint. 

Sinundo ako ni Iver sa amin dahil Saturday naman ngayon, half day lang ang duty namin. Pagkatapos ay pinuntahan namin si Gail sa bahay nila. Nandito kami ngayon sa kwarto niya habang nag-aayos siya sa vanity mirror niya. 

"Bakit kailangan pa ba ng permission niya?" Pambabara niya sa akin. Napailing nalang ako sa sinagot niya.

Nakaupo lang sa sofa niya si Iver habang ako nakaupo sa kama niya. Siya nalang ang hinihintay namin, manonood lang naman kami ng basketball game pero bakit parang pupunta siya sa date? 

Kinuha ko nalang ang cellphone ko para hindi mainip sa kakahintay sakaniya. Si Iver kasi nagdala ng isa naming hand outs kaya nagbabasa siya ngayon. Walang kasawaan sa pagbabasa. 

Kaagad naka-connect ang cellphone ko sa wifi nina Gail kaya nag pop na ang iba't-ibang notifications sa iba't-ibang social media app.

Dahil soft person ako, una kong binuksan ang twitter app. 

"Zen tea tayo after?" Rinig kong tanong ni Gail habang nagka-curl ng buhok. 

"Ayos lang," sagot ko. Zen Tea yata ang pinakamasarap na pearl sa lahat ng milk-tea-han kaya kahit hindi ako ganon kahilig sa milk tea, napapabili ako dahil sa pearl. 

May notif sa messages ko sa twitter kaya kinlick ko agad ang icon na message. Of course, it was Jonas. 

@jonastan: may paper works kami :(( 

@jonastan: may plan ba kayo after? 

@daisheen: zen tea. 

@jonastan: gonna try my best to be there. 

Ang sweet sana nung effort niya kung para sa akin. Pero sabagay, para naman sa kaibigan ko. And Gail deserve the best. 

Napanguso ako bago in-exit ang twitter app. Wala na rin akong alam sabihin kaya hindi na ako nagreply. Aksidenteng dumako ang tingin ko kay Iver na ngayon ay nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin. Magkatapat lang kasi kami.

Kumunot ang noo ko dahil ang sungit ng itsura niya. I mouthed "bakit?" pero umiling lang siya at bumalik sa binabasa niya. 

"Siz, anong oras ka matatapos? Three thirty na." Pagpapaalala ko kay Gail. 

Baka kasi wala kaming mauupuan doon sa daming estudyanteng manonood. Syempre maraming manonood, basketball iyon. Maraming estudyante mapa babae o lalaki ang magkakainteres sa sport na iyon.

"Five minutes," nakangiting wika niya sa akin na nakangiti pa. Halatang excited. 

"Ano bang pangalan nung crush mo?" I asked. Malalaman ko naman din mamaya kasi imposibleng hindi niya pag-cheer. 

"Daniel Sy." Kinikilig na wika pa niya. 

"Ang bilis makatingin sa ID huh." Asar ko sakaniya. Ang linaw talaga ng mata niya sa mga ID. 

"Inom lang ako sa baba." Paalam ko sakaniya. Um-okay naman siya kaya bumaba na ako. 

Nakasalubong ko pa ang mga katulong nila sa bahay, bumati ako sakanila tiyaka dumertso sa kusina. Nauuhaw na ako kanina pa, akala ko kasi tapos na mag-ayos ang bruha pero maling-mali pala ako. 

Kumuha ako ng baso tiyaka binuksan ang ref. Nagsalin din agad ako ng malamig na tubig sa baso tiyaka uminom. 

Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ko ng makita ko si Iver na pumasok sa kusina. Kumuha rin siya ng baso sa tabi ko, tiyaka kinuha ang pitsel sa kamay ko. Walang reaksiyon ang mukha niya, nilagay ko na rin sa lababo yung baso tiyaka ko siya narinig magsalita. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon