Chapter 33

6K 193 70
                                    

Chapter 33

Naramdaman ko ang paglapit ni kuya Nathan sa tabi ko. Seryoso ang paglilipat ng tingin ni Jonas kay tito at sa machine na nakalagay nang straight na linya.

"Yo-you are Gail's best friend right?" Tanong sa akin ni tita "You know how much Gail wanted her father to live. Please. I'm begging you all."

"Bu-but tita we don't have a liscense doctor here, we can't perform it, even if Jonas is an intern." Tumuloy lumandas ang mga luha ko nang maalala ko kung paano kamahal ni Gail ang pamilya niya. "And he signed do-not-resuscitate." Mahinang bulong ko.

"We won't file a case. We won't. Promise. Just save my husband."

"Bring the defibrillator now!" Parang kulog ang boses ni Jonas. Walang sinuman sa amin ang kumilos sa utos niya but kuya Nathan did.

Mabilis na tumakbo si kuya Nathan at nilapit iyon kay Jonas. Wala akong magawa kung hindi umiyak sa isang sulok habang pinapanood siya.

Iyak na hindi ko alam kung ano ang pinupunto.

Dahil ba ama ng kaibigan ko ang inililigtas? Dahil ba sa pagmamakaawa ni tita? Dahil ba naalala ko ang pagmamahal ni Gail sa pamilya niya? Dahil ba may tiyansa na masayang ang lahat ng pinaghirapan ni Jonas sa mahigit siyam na taon?

O dahil alam ko, ramdam ko, na mahal pa ni Jonas si Gail.

"Charge 200 joules,"

"One. Two.. Clear!"

"Checking heart rhythm!"

Nakatayo lang din si kuya Nathan habang pinapanood si Jonas sa ginagawa niya. Ayaw na niyang makialam dahil madadamay siya, kahit na damay na talaga siya nung kinuha niya ang defibrillator.

Dahan-dahan kong inatras paatras ang paa ko tiyaka umalis sa emergency room.

Walang sawang bumubuhos ang mga luha ko habang nararamdaman ko ang pagkirot ng puso ko.

Imposible naman na may gusto pa siya kay Gail diba? Halos walong buwan na kaming magkasama. Wala siyang nababanggit tungkol kay Gail, walang bumabanggit sa pangalan niya sa amin.

Sabagay, paano ko malalaman kung meron pa ba o wala kung kailanman hindi namin napag-usapan ang bagay na iyon? Bakit kasi ang hina ng puso ko pagdating sa kaniya? Bakit kahit walong buwan lang kaming nagsama ay mahal na mahal ko na kaagad siya?

Si Jonas siya e. Siya yung tumutulong sa akin makasurvive sa med school. I can't imagine how easy med school without him.

He's my rest.

Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko dahil na rin sa mga taong nakatingin sa akin habang naglalakad sa hallway, ilang minuto rin akong umiiyak na parang nawawala sa hospital. Lumapit na ako sa vending machine para makainom ako ng kape.

Baka sakaling magising ang puso ko.

Napasandal ako sa pader habang iniinom ang kape ko nang may maramdaman na tumabi sa akin. Pamilyar ang pabango niya kaya kahit hindi ko na siya tingnan, kilala ko kung sino siya.

"He's gonna be a good doctor right?" Maingat ang pagkakasabi niya sa akin. Parang hindi ako sanay na seryoso ang pinag-uusapan namin dahil lagi niya akong inaasar. "He will do everything to save his patient."

Hindi naman ganon karami ang kape at ganon kalaki ang cup kaya inubos ko na bago ako sumagot kay kuya Nathan.

"Pero hindi siya sumunod." May halong pait ang pagsabi ko marahil ay galing sa kapeng ininom ko. Mukhang hindi naalis ang pait sa dila ko. "Plus, hindi natin pwedeng haluhan ng personal emotion ang trabaho, diba?" Baka kasi mali ang pagkakaintindi ko sa mga tinuro sa amin kaya nagtanong ako sakaniya para ikumpirma.

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon