Chapter 16

6.7K 228 79
                                    

Chapter 16

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, nasa isang room na ako ng hospital na pinag-intern ko. Puro puti ang nakikita ko, pati mga nakapaligid na tao sa akin ay nakaputi. 

Kaagad lumapit sa akin si kuya Nathan, napatingin ako sa paligid. Nandoon sina Jonas, Iver at Gail nakaupo sa sofa. Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit, alas sais na, siguro ay tapos na ang intern nina Gail. 

"God!" Frustrated na wika ni kuya Nathan, napahawak pa siya sa ulo niya na para bang sasakit na ang ulo niya sa akin "You will save life in future, so for now, save your self first!" 

Napanguso ako nang hindi man lang tinanong kung okay na ba ako. Kaagad sermon ang naabutan ko kay kuya, of course, I made him worry. 

Lumapit si Jonas sa tabi ni kuya Nathan tiyaka niya tinapik ang balikat nito. 

"Are you okay?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa simpleng tanong ni Jonas. Mabuti nalang at hindi halata ang gulat ko at kaagad akong nakabawi. 

"Yes, I am." Sagot ko sakaniya. Tiningnan ko si kuya para sermunan din to lighten up the mood, ang seryoso kasi nila akala mo may sakit ako na malala "Sinermonan mo agad ako hindi mo man lang ako kinamusta?" Sarcastic na tanong ko kay kuya. 

"I know you're okay, you just need rest. You already took a rest so," he paused and shrugged his shoulder "You're okay." I made a face. 

"I thought you took a nap after our call?" Napatingin ako bigla kay Jonas nang sinabi niya iyon. Napatingin din sina kuya at Iver sakaniya. Samantalang si Gail ay natutulog sa sofa. 

"I planned to," pagsisinungaling ko "Pero hindi kaya, malalate ako." Sagot ko sakaniya which is true. 

"Wait you guys call?" Hindi makapaniwalang tanong ni kuya Nathan na para bang pinagtaksilan namin siya. 

Alam kaya ni kuya na may gusto si Jonas sa best friend ko? 

"Yeah, I help her to review." Simpleng sagot ni Jonas. 

"Sana all may review buddy." Kuya Nathan sarcastically said. 

"Oh my god!! You're awake!" May pagka-OA na sabi ni Gail and run towards me. "You okay?" Nag-aalalang tanong niya tiyaka hinawakan ang balikat ko. 

"Yeah," sagot ko "Wala akong tulog kaya siguro nahimatay." Dagdag na paliwanag ko. 

"Are you okay na babiyahe na tayo bukas?" Oo nga pala, bukas na pala ang pagpunta namin sa La Union. 

"Yes. Besides, I need rest, the vibes of La Union can help me," tiningan ko ulit si kuya "Alam ba nina mama?" Honestly, ayaw ko ng ipaalam kina mama ang nangyari dahil baka mag-alala sila. 

"Hindi," sagot ni kuya "Hindi na rin namin pinaalam dahil baka mag-alala sila. Next time, take care of yourself." Dagdag pa ni kuya. Tumango ako kung ganon. 

"Alis na kami, may papasa pa kaming paper works," paalam ni kuya tiyaka tinapik ang balikat ni Jonas. "Ako na bahala sa bill." he added. 

Tumayo na rin ako tiyaka inalis ang IV na nakalagay sa akin. Ayos narin naman na ako. Tiyaka ko na niyaya ang dalawa. 

"I'll drive you home." Iver said, may sundo nga pala si Gail kaya hindi makakasabay sa amin. 

"You guys, ingat kayo," paalam ni Gail "Sunduin mo nalang kami bukas, Iver! Ciao!" Paalam ni Gail bago pumasok sa kotse nila. 

Sumakay na rin kami sa sasakyan ni Iverson. Nagtaka lang ako ng hindi siya nagtuloy-tuloy sa Magsaysay dahil niliko niya ito. 

"What?" Nagtatakang tanong ko sakaniya. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon