Chapter 19
Napaiwas ako bigla ng tingin kay Iverson dahil sa tanong niya. Sinuot ko na ang seat belt ko bago ko siya sinagot.
"Huh?" Nagtatakang tanong ko. Napabuntong hininga siya dahil sa sinagot ko sakaniya. Sa tagal na minuto akong natigilan, 'yon lang ang sagot ko sakaniya.
"You're with him." This time it's not a question anymore but a statement. As if, he's sure that we're together last night.
"Ah. Ahm. Ano," I'm trying to find the right words to say but I think I can't find one.
"It's okay, no need to explain," he gasped. "Just, be careful. Protect your heart, please, don't get hurt." Nahihirapan na sabi niya sa akin.
"Hindi ba love comes with pain?" I can't assure him that I'll never get hurt with love.
"But you can do something so you won't drown in pain." He said. Iverson and his words.
Tinigil na rin namin ang topic namin nang pumasok si Gail sa kotse tiyaka umayos na sa pagkakaupo.
"Uy! Lock screen niya picture nila ni Daisheen!" Puna ni Gail kaya napatingin ako sa cellphone ni Iverson malapit sa clutch dahil biglang umilaw sa notification.
"Cute ko riyan eh." Simpleng sagot niya. Pinagkibit-balikat ko nalang iyon.
Nagsimula nang magdrive si Iverson, nauna na rin ang tatlong magpipinsan sa amin. Kinuha ko ang phone ko para picture-an ang dinadaanan namin, pang IG story.
Nagulat ako ng magreply si Josh sa IG story ko. Finallow rin pala nila ako sa IG kaya nag follow back nalang ako.
@joshtan: nahuli kayo?
@daisheen: yup! May nakalimutan kasi si Gail.
@johstan: okay. see u there.
After thirty minutes ay nakarating din kami. Si Iver na ang nag-inquire para sa magiging mentor namin. Nagsimula na rin kumuha ng picture si Gail sa phone niya.
"Ang ganda talaga sa La Union," wika niya habang nilalagyan ng kung ano-ano yung IG story niya para maging aesthetic. "Kaso lang hindi tayo makakabalik next year kasi graduating." Natawa ako sakaniya.
"Naniniwala ka sa mga pamahiin? Seryoso?" Gulat na tanong ko. Mula sa cellphone ay nakatingin siya sa akin nang nakanguso.
"Wala naman masama kung iiwasan." Nakangusong sagot niya. Sabagay, may point naman siya.
Dumating si Iver kasama ang mentor namin. Pumunta na kami sa mga nakahilerang surfing board, nandoon din sina Jonas na seryosong nakikinig sa mentor nila.
Pinakinggan lang namin ang sinasabi ng mentor namin. He even act on how to surf properly. Ang dali kung tignan pero tingnan natin mamayang na-try na.
Natapos ang briefing kaya binigyan na kami ng tig-iisang surf board. Lumapit agad sa amin ang tatlong magpipinsan, hawak ang surf board nila.
"Sabay-sabay na tayo?" Anyaya ni Joaquin. "Ito kasing si Josh p'wedeng siya nalang magturo sa amin." He ranted.
Sabay-sabay kaming pumunta sa dagat kasama ang mentor namin. Hindi na naghintay si Josh tiyaka tumakbo na para salubungin ang alon.
Bahagya akong namangha nang makita ko siyang seryosog sinasalubong ang malalakas na alon, nagtitrick pa nga siya minsan. Talagang marunong siyang mag surf, I thought they were just bluffing. Kaso nga lang napakaseryoso niya habang nagsusurf, hindi dahil para makapag focus kung hindi dahil malalim ang iniisip.
"Tara na?" Anyaya ni Gail nang ilang minuto na naming tinitingnan si Josh.
Hinubad ko na ang suot kong short and off shoulder, ganon din ang ginawa ni Gail sa dress niya dahil naka bikini naman kami. We bought the same swimsuit, a white two piece na may design na tree.
BINABASA MO ANG
Cry In A Cold City [Baguio Series #1]
ChickLitBaguio Entry #1 [Completed] Daisheen Maine Cariño a nursing student from University of Baguio accidentally spout her McCoffee on Jonas Lorenzo Tan, a medicine student from Saint Louis University; her crush. Until one day, Jonas asked her to be his...