Chapter 20
Hindi na ako nakapagpaalam kay Iverson sa pag-alis ko. Lunch break na namin, hindi ko siya mahagilap sa hospital kaya tetext ko nalang mamaya pagkarating ko sa sizzling plate sa may session.
Ang gusto ko talaga sa Baguio ay ang lalapit ng mga kainan sa mga Universities. Palagi naman akong dumadaan sa assumption road dahil deretso lang naman.
Nang nasa session ako ay umakyat lang ako ng kaunti dahil medyo sa taas pa ang sizzling plate. Mabuti nalang at dala-dala ko ang hoodie ko, malamig na lalo sa Baguio dahil ber months.
Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Jonas, nasa sulok malapit sa bintana. Nahihiya akong umupo dahil kanina pa siya nandito.
"Sorry," pagpapaumahin ko. Ngumiti siya sa akin tiyaka umiling.
"Wala iyon," he said then gave the menu to me.
I ordered grilled pork chop, he ordered t-bone steak and ice tea.
"So how's your duty?" Tanong niya sa akin. Nilagay niya pa ang dalawang kamay sa lamesa na para bang interesado sa kuwento ko.
"As usual, tiring," nakangusong wika ko sakaniya.
"How come you choose, sizzling plate?" He ask. Ako kasi ang nagyaya rito "Niyaya kitang mag pasta." He said. Kaya nga tinanggihan ko siya kasi pasta.
"Ayon nga. Hindi mo ba naririnig yung myth sa med? Na kapag kumain ka ng pasta or pancit before or during duty mo, it means it will be a long day ahead?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko mukhang hindi naintindihan "I know we're always tired pero kapag kumain ka ng pasta lalong mas nakakapagod ang duty dahil maraming pasyente ganon." Pagpapaliwanag ko sakaniya.
"Do you believe that myth?" Curious na tanong niya. "I heard it for the first time." Napangiwi ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Ano ba? First year pa lang ata kami ng nursing alam na namin iyan!" Graduating na nga siya sa med tapos ngayon niya palang nalaman ang myth na iyon?
"No joke. This is the first time, I heard that myth." Seryosong sabi niya na tila ba hindi makapaniwala na may ganoong myth sa med field.
"Hindi mo ba narinig kay kuya Nathan?" I'm sure alam ni kuya Nathan iyon, narinig ko na rin minsan sakaniya eh.
"Nope. We don't talk things like that." Sabagay, bakit naman nila mapapag-usapan iyong ganon? Mga babae lang ata ang nakakahalungkat ng kung ano-ano kapag nagkukuwentuhan.
"Now you know." Sabi ko nalang sakaniya. Sakto na dumating na rin ang order namin. Mabuti nga maaga siya dahil dagsaan na ang mga tao baka wala pa kaming mauupuan.
"Last week of November, lighting of Christmas tree?" Tanong niya sa akin habang kumakain. Tumango ako sa sinabi niya.
"Yeah, I'll ask Gail about that." Alam ko naman na gusto niyang makasama si Gail kahit na niyaya niya. Bahagyang napaawang ang labi niya sa sinabi ko. Tumango ako tiyaka nagpatuloy sa pag nguya.
"It's okay if you're alone," mahinang wika niya niya pero sapat iyon para marinig ko. Bahagya akong natigilan sa pang nguya ko dahil sa sinabi niya "Besides, Nathan is there with his girl." Mabilis na dagdag niya. Tumango-tango ako.
"Thank you nga pala sa video greet ng Cup of Joe!" Pag change topic ko nalang. Nakapagpasalamat na ako sa chat pero iba pa rin sa personal.
"You're welcome." Ngiti niya sa akin.
"Buti pala may connection ka sakanila?" Tanong ko nalang kahit na alam kong marami siyang paniguradong connection.
Tan as his nickname means you have connection nationwide.
BINABASA MO ANG
Cry In A Cold City [Baguio Series #1]
ChickLitBaguio Entry #1 [Completed] Daisheen Maine Cariño a nursing student from University of Baguio accidentally spout her McCoffee on Jonas Lorenzo Tan, a medicine student from Saint Louis University; her crush. Until one day, Jonas asked her to be his...