Chapter 18

6.5K 241 33
                                    

Chapter 18

Napamulat ang mata ko nang marinig ako ng ilang naglalakad sa tabi. Napansin ko ang mga staff ng resort na naglilinis at may kanya-kanyang ginagawa. 

Bigla akong napabangon mula sa pagkakahinga. Sa hita ako ni Jonas nakatulog! Pero teka, sa pagkakaalam ko sa balikat niya bumagsak ang ulo ko? Pero nakakahiya pa rin!

Tiningnan ko si Jonas na ngayon ay mahimbing na natutulog habang nakasandal ang ulo sa sandalan ng upuan. Nakalimutan kong alisin ang earphone ko nung makatulog ako pero ngayon ay nakaalis na. Naka pause pa ang music ko. Tiningnan ko ang orasan at six thirty am na! 

Agad-agad akong tumayo tiyaka nagmadaling sinuot ang mga tsinelas ko. Tumakbo kaagad ako papasok sa room namin, sinara ko ang pintuan tiyaka ako napansandal habang hawak-hawak ko ang puso ko kahit hindi naman ganon kalayo ang tinakbo ko.

Huminga ako ng malalim bago pumunta sa table na nasa gitna ng dalawang kama. Nilapag ko ang cellphone ko roon, maghihilamos na siguro ako. 

"Good morning." Inaantok na bati pa sa akin ni Iver. Mukhang nagising ko lang siya sa kaluskos ko. 

"Good morning." Napaiwas ako ng tingin sakaniya. Mabuti nalang walang nakakita sa amin ni Jonas kanina. Pasimple kong tiningnan si Gail na mahimbing pa rin ang pagtulog kaya napahinga ako ng maluwag. 

"Saan ka galing?" Umupo si Iver at sinadal ang katawan sa head board ng kama habang kinukusot ang mga mata niya. 

"Ah? Diyan lang," kinakabahan na sagot ko sakaniya. Bakit feeling ko may nakakita sa amin kahit na wala naman? 

"Lumabas kang ganiyan ang suot?" Napatingin ako sa suot ko dahil sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. 

"Bakit ayos naman ah? Medyo malinaw pero hindi naman ganon kalinaw," nagtatakang tanong ko. "Tiyaka mag swimsuit naman kami ni Gail mamaya." Pagdadahilan ko pa. 

"Hindi kita pinagbabawalan. Kung saan ka kumportable at nakakapagtaas ng cofident mo, ayos lang sa akin. Ang akin lang, sana kasama mo ako. May mga gagong lalaki lang talaga." Nako! Umanga-umaga bad trip. 

Buti pa ako umagang-umaga inspired. Charot.

"Protective naman ng daddy namin." Natatawang asar ko sakaniya bago nagtungo sa bathroom. 

Naligo na rin ako. Kumakanta pa ako habang naliligo. Kinakanta ko ang Nag-iisang Muli ulit ng Cup of Joe dahil parang naririnig ko ang boses ni Jonas. 

Parang tanga naman, para akong high school na kinikilig. 

Napatigil ako sa pagkanta nang marinig ko ang sunod-sunod na kalampag ni Gail sa pintuan ng bathroom. 

"Bakit?" Sigaw ko tiyaka hininaan ang shower para marinig ko siya sa labas. 

"Buksan mo muna ang pintuan! Natatae na ako!" Sigaw niya galing sa labas. Mabuti nalang tapos na rin ako kaya kinuha ko na ang robe tiyaka ang towel sa ulo ko. 

"Tagal!" Wika ni Gail tiyaka pumasok na sa bath room. Sinara ko naman ang pintuan para hindi mangamoy. 

"Hoy Iverson! Labas! Magbibihis ako!" Dala-dala ko ang damit ko na dapat ay sa bathroom ako magbibihis kaso tinawag ng kalikasan si Gail. 

Bago lumabas ay inayos ni Iverson ang kurtina sa sliding mirror door, chineck niya pa ito kung naka lock bago lumabas. Ni-lock niya rin ang pintuan. 

Nagbihis na ako. Shorts at floral off shoulder na kulay white ang suot ko. Nagsuklay na ako sa harap ng body size mirror, narinig ko ang shower, naliligo na siguro si Gail. May dala naman siyang damit kanina bago pumasok. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon