Chapter 8

7.1K 234 119
                                    

Chapter 8 

Nakaramdam ako ng kirot dahil sa mga binitawan niyang salita. Ilang segundo akong natulala not until he snap his finger in front of me to wake me up, to wake me up from the fiction I was living for the past few days. 

"Are you okay?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Okay ba ako? Sino bang magiging okay kung ang crush mo ay gusto ang best friend mo? 

"Huh? Yeah yeah." Pagsisinungaling ko. Pwede na akong gumanap na artista. 

"So? Can you help me?" Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. 

Shet naman e bakit nakakapanghina naman ang mga ngiti niyang iyan. 

Kaya ba siya nakipagkaibigan sa akin para matulungan ko siya sa kaibigan ko? Ang sakit naman nun. Akala ko talaga meron na. 

"Akala ko ba nililigawan mo na siya? Sinabi mo kay Joaquin kanina." Nagtatakang wika ko. Diba? Iyon naman ang sinabi niya kanina. 

"Yeah but she didn't know. I always saw her at the hospital. Gab is her brother right?" So siya pala ang tinutweet niya. 

"Ah yeah," tipid na sagot ko pa wala akong masabi. "Actually, may gusto si Gail na Louisian. Kaso sa SEA." Iyon ang naalala kong sinabi niya sa amin. 

"Yeah, she accidentally told me that when I bumped her." Tumango ako. Kaya pala sinabi niya kanina kung mahilig ako sa Engineer. 

"I don't think I can help." Ayaw kasi ni Gail ang pinipilit siya sa ayaw niya. Hindi ko alam kung magugustuhan niya si Jonas but she said she hate when people forcing her. 

"Why? She's your best friend right?" 

Why do people keep on saying someone's is your best friend so you can force him/her to do something he/she doesn't want? 

"Yes. She is my best friend but best friend is not about forcing each other instead they understand each other." Each other differences. 

"Please?" He pleaded. Paano ba ako makakatanggi sa mga mata niyang ganiyan? 

"I'll try but I can't promise," agad na lumiwanag ang mga mata niya pagkatapos kong sabihin iyon. Napabuntong hininga muna ako bago binuksan ang pintuan ng sasakyan niya. "Una na ako, salamat sa paghatid." Tiyaka ko na kinuha ang paper bag na may lamang damit ko at bumaba. 

Hindi na ako lumingon pa sa sasakyan niya. Lalo na nang maramdaman kong pumapatak na ang ulan. Nakakainis naman e! Bakit kailangan makisali ng panahon? Sabagay, rainy month din ang September. 

Agad kong inayos ang hoodie ko sa ulo ko para hindi maambunan tiyaka mabilis na tumakbo palapit sa bahay. 

Buti nalang bukas ang screen door kaya nakapasok na ako ng tuluyan. 

"Ma?" Nakaugalian ko kasi t'wing kakauwi ko ay tinatawag ko si mama. 

"O nandiyan ka na pala. Naparami raw ang inom niyo kagabi sabi ni Nathan kaya sa condo na niya ikaw." tuloy-tuloy na wika ni mama. Tumango ako tiyaka pinakita sakaniya ang paper bag na nagtuturo sa laundry area. 

Nilagay ko muna ang maruming damit ko roon. Tiyaka naupo sa sala. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang mga messages. Bumaha ng messages ni Iverson ang message ko. Una ay hinahanap niya kaming dalawa ni Gail, tapos ay ako nalang ang hinahanap niya hanggang sa nalaman niya kay kuya Nathan kung nasaan ako. 

Nagtext din sa akin si kuya Nathan na huwag daw akong iinom-inom kung napaka weak ko. Akala mo talaga! 

Gail: 

Good morning! Ang sakit ng ulo ko grabe! Nakauwi ka ba ng maayos? Pasensiya ka na, hindi ko na macontrol masyado sarili ko kagabi hehehe. Text me back kapag nabasa mo na ito. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon