Chapter Two

20.6K 1K 46
                                    

Chapter Two


"Wow, ate tignan mo, meron na tayong bakuran! Pwede na ba ako'ng mag-ampon ng aso? Gusto ko talaga ng aso," pahayag ng nakababatang kapatid ni Solan habang nakatanaw sa bintana mula sa ikalawang palapag.

Ibinaba ni Solan ang dalang box sa sahig ng kanilang kwarto. Napangiti siya habang tinitignan ang anim na taong gulang niyang kapatid.

Nandito sila ngayon sa kanilang bagong hinuhulugang bahay. Nasa fifty square meters ang floor plan nito. May dalawa itong palapag at dalawang kwarto sa itaas. Malapit ito sa target school niya. Siya mismo ang kumumbinsi sa kanyang ina na lumipat sila mula sa kanilang lumang apartment.

Gamit ang rason na mas malapit ito sa kaniyang magiging school at mas secured ang lugar, nakumbinsi niya ang ina na lumipat.

Ngunit ang totoo, inihahanda niya ang pamilya sa mangyayari sa hinaharap.

Ayon sa kanyang panaginip, ang lugar na ito ay magiging military base. Isa sa mga base na tatanggap ng mga survivors mula sa pagsalakay ng mga creatures. Magiging safe sila rito.

Ipinapangalangin niya na sana ay nasa isip niya lang ang lahat. Nagkaroon siya ng pag-asa nang tumigil na ang pagpapakita sa kanya ng kanyang mga panaginip dalawang buwan na ang nakalipas.

Sana nga ay anxiety lang ito katulad ng sinabi noon ni Kyra.

Isang linggo. May pitong araw nalang siya bago ang high school graduation nila.

***

Kinagabihan, naging abala si Solan sa pag-online shopping. Maraming mas murang pagkain online kaysa sa grocery kaya naman dito niya napiling bumili.

Gamit ang pera na naipon niya mula sa mga nabenta niyang second hand na mga gamit, inumpisahan niyang bumili ng magiging pagkain nila na kakasya ng tatlong buwan kung magiging matipid sila.

Bumili siya ng mga canned goods, pasta, biscuits, instant noodles, dried fruits, cereals, milk powder, flour, baking soda, cornstarch, dried meat, dried fish at iba pang pagkain na matagal ang shelf life. Nag-order din siya ng mga pampalasa katulad ng asin, asukal, vinegar, soy sauce, at fish sauce.

Lumipat siya sa non-food section at inilagay sa cart ang mga murang sabon, shampoo, napkin, flashlight, lighter, at kandila.

May mga gusto pa siyang bilhin pero wala na siyang pera. Siguro ay kailangan niyang kupitin ang credit card ng kanyang Mama bukas. Dapat din siyang mag-stock ng kanilang gamot at first aid kit.

Nag-checkout siya at pinili ang fast delivery.

***

"Bakit parami nang parami ang box dito? Sa atin ba ito?" tanong ng Mama ni Solan nang makita ang mga bagong delivered na packages.

Makalipas ang dalawang araw, dumating ang mga inorder ni Solan online. Unti-unting napuno ng kahon ang kanilang kwarto.

"Mama, mga paninda ko po ang mga 'yan."

"Ano'ng mga paninda? Binili mo ba ang lahat ng ito?" hindi makapaniwalang tanong ng kanyang ina habang nakatingin sa kumpol ng mga kahon sa tabi ng kanilang pinto. Mga bagong delivered ang mga ito kanina lang.

"Yes Ma, ano po... ibebenta ko po online. Hehe..."

"Hay naku, bata ka. Mga naiisip nyong kabataan. O sya, good luck sa iyong negosyo, sana ay maibenta mo lahat. Gusto mo bang tulungan kita?"

"Hwag na po, Ma. Kaya ko na po 'yan."

"Siya sige. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong at marami akong katrabaho na pwede kong bentahan. Siya nga pala, nak. Nakita mo ba yung credit card ko? Hindi ko alam kung saan ko nailagay. Nalaglag ko yata."

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon