Chapter Thirty-Two

12.6K 1.5K 147
                                    

Chapter Thirty-Two


Bumuntong hininga si Lucille sa hindi niya mabilang na pagkakataon habang nakabuntot sa abnormal niyang pinsan. Nandito sila ngayon sa base kung saan nagpa-iwan si Solan kasama ang inampon nitong NPC. Sa di niya malaman na dahilan ay may kasama itong NPC at tinatawag siya nitong 'ate'.

Alam niyang naging sobrang realistic ng game nito simula nang i-update ito. Pero tama ba naman na pag-tripan ang NPC? Ano kaya ang sinabi ni Solan sa batang iyon para tawagin siyang Ate? May brainwashing function din ba na mabibili sa market?

Abnormal din talaga itong si Solan, pero nasa ibang level parin ang abnormal ng pinsan niya. Kaya siguro pareho silang malakas na hunters. Iba ang saltik sa utak kaya nag-evolve din ang abilities nila. Isang dual class hunter at isang madman.

Haay. Kawawa naman ang mga katulad niyang may normal na brainwaves.

Kung bakit sila bumalik dito sa base ay dahil gusto ni Alastair na umattend ng birthday party ng NPC na si Vivian. Huh? Birthday party para sa isang NPC? Baliw din 'tong mga 'to e. Lakas ng trip.

Kaya naman nandito sila ngayon at umaaligid sa bahay ni Solan. Kaso napagalaman nilang wala ito sa base. Hindi tuloy maipinta ang mukha nitong si Alastair.

"Maybe they changed the venue?" narinig ni Lucille na bulong ng lalaki.

Ano'ng venue? May party ba? Invited ka ba? Sa pagkakatanda ni Lucille ay wala naman ipinadalang invitation si Solan. Hindi nga rin niya alam kung may party ba talaga. Ito lang talagang pinsan niya na sobrang excited magbigay ng regalo. Kung ano'ng regalo iyon ay hindi na niya gusto pang malaman.

Alam ni Lucille na ayaw ni Solan kay Alastair. Siguro ay nakita rin nitong may saltik sa utak 'tong pinsan niya kaya nilalayuan. Ang hindi niya maintindihan ay sobrang dedicated ng loko kay Solan.

Hindi niya tuloy alam kung ano ang mararamdaman. Hindi naman masama ang tingin niya kay Solan, medyo abnormal lang. Pero hindi parin deserved ni Solan na maging object ni Alastair sa experiments nito.

Sigurado si Lucille na gustong gawing experimental object ng abnormal niyang pinsan si Solan. Paano pa niya ipapaliwanag ang atensyon nito sa babae? Maliban nalang kung tuluyan nang nabaliw ang pinsan niya at nakaramdam ng affection para sa opposite sex? No way!

"Think, Lucille. If you were Vivian, where would you want to spend your birthday?" tanong ni Alastair sa kanya.

Hala, itinulad pa siya sa NPC. Walang sense talaga 'tong abnormal na 'to.

"Bakit ba natin siya hahanapin?" frustrated na tanong niya. Gusto lang niyang mag-hunt ng mga monsters at hunter para mag-level up! Bakit ba sila nag-aaksaya ng oras para makipag-birthday party sa isang NPC?!

"Lucille, I know that your IQ is a bit lower than normal people but please try to keep up. How many times do I have to explain it to you?" buntong hininga nito na parang pagod na pagod na sa kakapaliwanag.

Goddam you, Alastair Fairchild. Gigil na tinignan ni Lucille ang pinsan. Talagang IQ pa niya ang tinarget nito! Gusto na talaga niya itong hiwain sa maraming parte gamit ang kanyang dalawang patalim.

"Never mind, I know what to do." Inilabas ni Alastair mula sa system bag ang isang pares ng itim na pakpak na katulad sa paniki. Isinukbit nito iyon sa likod na parang bag.

"Wait! Where the hell are you going this time?!" sigaw ni Lucille nang biglang lumipad sa ere ang pinsan niya.

"To find my missing piece!" sagot nito saka tuluyang umalis. Mabilis ang lipad nito at sa isang kisapmata ay naging tila tuldok nalang sa langit.

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon