Chapter Twenty-Two

12.6K 928 82
                                    

Chapter Twenty-Two


Nililinis ni Lucille ang kanyang dalawang daggers habang nakaupo sa gilid ng rooftop. Nakatanaw siya sa mga dumadaang hunters at mutated animals. Inaabangan niya ang pagdating ng kanilang bisita.

Hindi niya alam kung bakit gusto ni Alastair na bigyan niya ng magandang bati ang bisita. Hindi niya alam kung ano ang plano nito. Para lang itong naglalaro ngunit seryoso ang mga mata nito nang bigyan siya ng utos.

Ano kaya ang binabalak ng lalaking iyon? Napailing siya. Kahit na itanong pa niya, hindi rin naman siya bibigyan ng seryosong sagot nito.

Ang lahat para kay Alas ay isa lamang laro o eksperimento. Ganoon na ito simula pagkabata. May mga gagawin ito upang i-test ang mga tao sa paligid. Sobrang manipulative. Kaya naman para kay Lucille, si Alastair ay isang psychopath. Ginagawa nito ang lahat para sa tinatawag nitong amusement. Sa tuwing may gagawin ito, palaging may dahilan.

Pero hindi talaga mabasa ni Lucille kung ano ba ang gustong mangyari ni Alas. Interesado ba ito sa bisita? Isang babae ang bisita nila. Pero kung interesado si Alas sa babaeng iyon, bakit nito kinidnap ang bata?

Biglang may pumasok na ideya sa isip ni Lucille.

Hindi kaya, hindi alam ni Alas kung paano manligaw? Nablanko ng tatlong segundo ang isip ni Lucille. Pfft. Yeah right. Si Alas, hindi marunong? Sa dami ng babaeng nabaliw dahil dito? At manligaw? No way! Bakit ba niya itinutulad ang pinsan niya sa ibang tao? Isa itong psychopath. Hindi nito naiintindihan ang human emotion.

Siguro ay bored lang si Alas. May nakita itong interesanteng biktima.

Napabuntong hininga si Lucille. Ngayon palang ay naaawa na siya sa babaeng iyon. Sa lahat ng atensyon na pwede nitong makuha, kay Alas pa ang nakuha nito.

***

Sinusundan ng sasakyan nina Solan ang tumatalbog na sisiw sa harapan. Ito ang naghahanap sa mga bakas na iniwan ng kidnapper na si Alastair. Hindi naman sila nahirapan na hanapin ang daan na tinahak nito. Ang bawat kalsada na kanilang nilagpasan ay may mga naipon na sasakyan sa gilid. Parang sadyang nag-iwan ito ng bakas at hindi nag-aksaya ng oras na takpan.

Hindi mapakali si Solan habang nakatingin sa bintana. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang katana. Nag-iisip siya ng maraming paraan para hatiin sa maraming bahagi ang katawan ni Alas. Ang lakas ng loob nito na kuhanin ang kapatid niya!

Noong huli niyang makita si Alastair, binigyan siya nito ng singsing. Hindi rin niya alam kung bakit. Ang akala niya ay tinutulungan siya nito bilang classmate. Pero ngayon ay bigla nitong kinuha ang kapatid niya? Ano ba talaga ang nasa isip ng lalaking iyon?!

Kapag talaga nakita niya ang binata, sisiguraduhin niya na pakukuluan niya ito ng buhay! Tatadtarin niya ang katawan nito at didikdikin!

Sa backseat ay napalunok si Milo. Ramdam niya ang galit ng dalaga. Pero hindi naman niya ito masisisi, maski siya ay magagalit din kung sa kanya nangyari ito. Napatingin siya sa salamin ng kotse at nasalubong ang tingin ni Atlas na nagmamaneho nito. Mabuti nalang at palagi silang magkasama ni Atlas. Kung nagkahiwalay sila at nalaman niyang may nangyaring masama rito, hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Sa wakas, makaraan ang ilan pang minuto ay huminto ang sasakyan sa tapat ng isang hotel. Nakita nila ang nakaparadang pulang sports car sa harap nito.

Agad na bumaba si Solan ng kotse at tumingin sa gusali. Sa labas palang ay makikita na isa itong luxury hotel. Hindi ito naapektuhan ng kaguluhan sa paligid. Nanatiling matibay ang gusali at walang bahid ng sira.

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon