Chapter Thirty-Eight

14.3K 979 513
                                    

Chapter Thirty-Eight


Taht. Taht. Taht. Taht.

Hindi mapigilan ni Solan na mapatingin kay Alas na kasalukuyang nagtatadtad ng karne para sa lulutuin niyang shanghai. Nakatupi hanggang siko ang navy blue nitong dress shirt. Seryosong seryoso ito sa ginagawa na parang isa itong napaka-importanteng trabaho para rito. Mabilis ang mga kamay nitong may hawak na dalawang kutsilyo, magkaganon man ay hindi nababawasan ang pagiging elegante ng binata.

Paano nga ba napunta sa kanyang kusina ang lalaking ito?

Bigla itong pumasok sa loob ng bahay kahit di naman niya inimbitahan. Matapos non ay tumingin ito sa kusina at nakita ang kanyang naiwan na niluluto. Saka ito biglang nagsabi na tutulong sa pagluluto.

Ang bilis ng nangyari, bago pa man siya makatanggi ay hawak na nito ang kutsilyo.

"Solandis, why do you keep peeking at me?" nakangiti ito na biglang tumingin sa kanya.

Guh! Nakaramdam si Solan ng pagkahiya dahil nahuli siya nito na nakatingin. Wala na siyang nagawa kung hindi ang salubungin ang tingin nito. Mas nakakahiya kung magkukunwari siyang hindi tumitingin.

"I mean, I won't get mad if you look at me. You don't have to be so secretive about it. Admiring a handsome guy is a normal thing to do with people your age. I can't really blame you for I am too charming."

"...huh?"

"Do you want to take a picture of me?"

"..." Pinagsasabi nito?

"I actually don't let other people take a picture of me but if it's you..."

"..." May mga gustong kumuha ng picture mo? Sino? Normal ba sila?

"Do you want me to unbutton my shirt or do you wanna take a picture of me completely naked?"

"HUH?! Hindi ko kailangan ng picture mo!" At saan ko gagamitin ang hubad mong picture?!

Mas lalong tumamis ang ngiti ni Alastair. Para bang may narinig itong magandang musika.

"As expected of my sweetheart, you're not easily satisfied with just a picture. You want the real thing. Very well, you can keep me. Keep me as long as you like. I can help you with anything, I can also warm your bed."

Bakit... bakit ganito ang takbo ng utak ni Alastair? Paano nakatagal si Lucille kasama ang lalaking ito?

Pakiramdam ni Solan ay hindi siya mananalo sa binata. Iba ito kung mag-isip. Mas mabuti pa kung magpatuloy nalang sila sa pagluluto at hwag nalang mag-usap. Baka kung saan pa ito mauwi.

"Pwede ba'ng magluto nalang tayo?"

"My little rabbit is too shy. Very well, let's talk about adult things when children are not in the vicinity."

A-Adult things?! HUH?!

"Ate, ano'ng pinag-uusapan ninyo?"

"Vi-Vivian!" nauutal na tawag ni Solan nang makita ang kapatid. Nakatingin ito sa nakangiting binata, may halong pagtataka ang inosente nitong mukha. "Happy birthday, Vivian!"

Lumiwanag ang mukha ni Vivian sa narinig.

"Birthday ko na po ngayon, ate? Talaga po? Wah! Seven years old na ako! Yehey!"

"Maghintay ka lang ng kaunti, malapit nang maluto yung spaghetti. Favorite mo 'yon diba?"

"Wow! Spaghetti!"

"Why don't you open my gift for you while waiting?" singit ni Alas.

Tumahimik si Vivian sa narinig. Napatingin si Solan sa binata. Ano na namang regalo iyon?

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon