Chapter Twenty-One

12.9K 1.1K 186
                                    

Chapter Twenty-One


"Why don't we all introduce ourselves first? Ang pangalan ko ay Lisbeth. Nineteen years old. Isa ako'ng lancer."

"Tyro, isa ako'ng berserker. Twenty years old."

"Ako si Milo, eighteen. Isa akong priest."

"Atlas. Eighteen. Paladin."

"Ako si Maddison, eighteen years old. You can call me Maddie. I'm a mage. Malapit na ang debut ko so remember to support me."

"Ako si Solan, six—eighteen years old. Isa ako'ng... mage."

"Para sa isang mage, ang lakas mo kanina. Natagpas mo ang mga paa ng alimango! Ang laki siguro ng points na inilagay mo sa strength," mangha na sabi ni Tyro. Bilib talaga siya sa mga hunters na malalakas.

"You have no sense, Solan. Dapat ay sa intelligence mo inilagay ang points mo. Gusto mo palang maging warrior, so bakit mage ang pinili mo?" tanong ng mage.

"Ah. Ganon ba? Hindi ko kasi alam."

"Hmp. Rookie."

"I have a proposal. Gusto nyo ba'ng bumuo ng party?" tanong ni Lisbeth. Maganda ang teamwork nila kanina at wala pa siyang team kaya naman kinuha niya ang pagkakataon na ito upang bumuo.

"Well. I don't really care much kung may party ako o wala," sabi ni Maddison. Mas marami siyang mahihingian ng gold coins kung magkakaroon sya ng party na puro mga lalaki pero nakakapagod din ang atensyon na ibinibigay ng mga ito kaya hindi siya sumasama.

"Kung sasali si Maddie, sasama ako sa inyo," sabi ni Tyro.

"Wala naman siguro sa inyong hunter hunter, diba? Hindi ko yata kaya na may makasamang hunter hunter sa team. Ayokong ma-backstab," sabi ni Maddie.

Saglit silang natahimik at nagtinginan. Walang ipinakitang reaksyon si Solan sa narinig.

"Kayong tatlo?" tanong ni Lisbeth kina Solan, Milo at Atlas.

"Sorry, pero kailangan muna namin pag-usapan iyan," hinging paumanhin ni Milo.

Nagulat si Solan dahil hindi niya inaasahan na tatanggi ang binata. Kanina lang ay inaanyayahan ulit siya nitong sumama sa party nilang dalawa pero ngayon ay tumanggi ito na sumali kina Listbeth. Ano ang dahilan?

"Naiintindihan ko. Heto ang contact card ko. Kung handa na kayo, pwede ninyo akong ma-contact gamit 'yan." Ibinigay ni Lisbeth ang isang pangkaraniwang card kay Milo.

Nahati sa tatlo ang grupo at naghiwalay na ng daan. Nang hindi na nila makita ang grupo ng lancer, doon nagsalita si Milo.

"Solan, may sasabihin ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Mas mabuti siguro kung ipapakita ko siya sa'yo. Labas, Leviathan."

Biglang lumabas ang isang malaking itim na butiki. Isang salamander! Agad na napaatras si Solan. Hindi niya talaga gustong nilalapitan ang mga ganitong uri. Tumataas ang kanyang balahibo sa tuwing nakakakita siya ng amphibians lalo pa at isang napakalaking amphibian!

Nakasampay sa balikat ni Milo ang salamander at nakatingin kay Solan. Pakiramdam niya ay magiging estatwa siya. Umiwas siya ng tingin.

"Ito si Leviathan, ang totoong pangalan niya ay Envy. Isa siyang legendary guardian beast katulad ng sa iyo."

Isang legendary guardian beast! Noong huli silang nagkita, isa palang itlog ang guardian ni Milo kaya naman hindi nila alam kung ano ang lalabas doon. Pero isang legendary guardian beast? Isang coincidence?

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon