Chapter Seventeen

11.9K 865 79
                                    

Chapter Seventeen


"Ako nga pala si Milo, ito naman ang kababata ko na si Atlas."

Naglahad ng kamay si Milo at hinawakan naman iyon ni Solan. Tinanguan naman siya ni Atlas. Tumingin siya sa dalawa. Kaya naman pala sobrang close sila, magkababata sila.

"Solan. Matagal na ba kayong hunters?"

"Hindi. Ito rin ang unang beses namin bilang hunters. Ang totoo niyan, sinamahan lang ako ni Atlas dito."

Kung ganon mga rookie hunters din sila.

"Bakit mo naman naisipan na maging hunter?" tanong niya.

Hindi mukhang hunter si Milo. Kung pagbabasehan ang ibang hunters na nakita ni Solan, malayo ang hitsura ni Milo. Mukha itong senyorito.

"Lahat ng kapatid ko ay naging hunter na kaya naman gusto ko rin subukan." Napakamot sa ulo si Milo habang nagku-kwento. "Sa totoo lang, tutol sila na maging hunter ako dahil hindi raw para sa akin ang lugar na 'to. Kaya naman noong eighteenth birthday ko, nag-register ako kaagad bilang hunter!" Mukhang proud ito habang sinasabi iyon. "Huli na nang malaman nila kaya naman binigyan nalang nila ako ng allowance para makabili ng items!"

Ah. Kaya naman pala mukhang mamahalin ang mga gamit nito. Isa siguro itong young master sa kung saan man itong lugar nanggaling.

Ang sabi nila ay sa labas sila nanggaling. Sa labas ng planeta? Kung ganon mga aliens nga sila. Pero ano ang ginagawa nila sa planeta namin? May kinalaman din kaya sila sa virus na kumalat sa mundo namin?

"Alam nyo ba ang tungkol sa virus na kumalat dito?"

"Ang virus na nanggaling sa SPD-1085GH ba ang tinutukoy mo?"

"Spd... Alam mo ba kung ano iyon?"

"Ayon sa research ni Professor Berkelle, isa iyong virus na kayang baguhin ang DNA. Kaya nitong tulungan ang carrier na buksan ang hidden abilities nila."

"Isang klase ng mutation?"

"May iba't ibang epekto ang virus sa mga living things. Ang iba ay immune at ang iba naman ay nirereject ito. Ang virus ang tumutulong upang i-upgrade ang kakayanan ng mga carriers upang makalikha ng isang panibagong mundo," kumikislap ang mga mata na paliwanag ni Milo. "Isang mundo na wala nang magkakasakit at mas mahaba ang life span. Isipin mo kung gaano iyon kaganda!"

"Mahabang life span at immune sa sakit?" Mukha ngang maganda iyon pero kung ang kaguluhan naman na ito ang kapalit...

"Eh? Hindi mo ba pinanood ang paliwanag ni Professor bago ka pumunta rito? Hwag mo'ng sabihin na in-skip mo iyon?"

Umiwas ng tingin si Solan. Kung ganoon, alam ito ng lahat ng hunters?

"Siya nga pala, meron ka na bang party?"

"Party?"

"Kung wala pa, gusto mo ba'ng gumawa ng party kasama kami ni Atlas?"

"Milo," mariing bigkas ni Atlas.

"Bakit? Hindi ba at magandang magtulungan tayo? Iisa lang naman ang kalaban natin. Magaling din makipaglaban si Solan! Siguradong mapapadali ang paghahanap natin sa wishing stone!"

"Ano ang wishing stone?"

"Solan, hindi mo ba talaga pinanood ang video bago ka pumunta rito?"

"Hindi ako nakinig."

"Kaya naman pala. Ang wishing stone ang goal ng mga hunters. Kung makukuha mo ang wishing stone, pwede kang humiling ng kahit na ano! Isa iyong Mythic-rank magic item!"

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon