Chapter Forty

15K 1K 318
                                    

Chapter Forty


Nang lumabas ang pigura ni Gluttony sa stage, natahimik ang mga manonood. Ang kaninang buhay na buhay at malakas na sigawan ay biglang naglaho na parang pumutok na bula. Sa sobrang tahimik sa arena ay maririnig mo na ang pagkalaglag ng karayom.

"Chii~?"

Puno ng pagtatanong na tumingin si Gluttony kay Solan. Nagtataka siya kung bakit biglang nawala ang mga sigawan na naririnig niya kanina. Hindi ba at kanina lang ay masaya ang mga ito sa paglabas niya? Bakit sila tumahimik bigla?

Hindi alam ni Solan kung paano ipapaliwanag sa kanyang guardian beast ang biglang pagtahimik. Sa totoo lang ay alam niya ang nararamdaman ng mga ito. Siguro ay nalilito sila o kinukwestyon ngayon kung ilusyon ba ang kanilang nakikita.

"PFFT!"

"PUHAHAHAHAHA!"

"BWAHAHAHAHAHAHA!"

Ang tawanan ng ilang hunters ang bumasag sa katahimikan. Sinundan pa ito ng ilan pang pagtawa. Para itong virus na mabilis na kumalat sa arena. Lahat ng naroroon ay tumatawa maliban sa iilan na pumusta kay Gluttony.

"Seryoso? Yan ba talaga ang lalaban sa stage?"

"May ganyan palang guardian beast?"

"Akala ko ba bawal sa arena ang newborn?"

"Adult form na ba 'yan? Pfft!"

"Kung adult form na 'yan, ano pa kaya yung newborn? Hahaha!"

Napatingin ang mga hunters sa may ari ng guardian beast. Nakita nilang isa itong teenager na babae. Ang ilan sa mga hunters ay tinignan si Solan ng may pagdududa; ang ilan naman ay parang nakatingin sa isang malaking joke. Hindi nila alam kung malakas ba ang loob nito o sadyang may kakulangan sa pag-iisip. Kahit saan nila tignan ang guardian beast, mukha lang itong newborn. Mukhang isang pitik lang ay tatalsik na ito palabas ng stage. Sobra silang dismayado dahil sa guardian beast na lumabas.

Isang misteryo sa kanila ang bilog na silhouette na iyon, isa palang matabang ibon. Nabawasan ang kanilang excitement para sa laban na ito. Mabuti nalang at hindi sila roon pumusta.

Matapos tumingin sa mga hunters na tumatawa, bumalik ang tingin ni Solan kay Gluttony. Wala naman itong masyadong ipinagbago. Ang adult form nito ay walang masyadong ipinagkaiba sa newborn form. Mabilog parin ito, ang laki nito ay dalawang pinagdugtong niyang palad, at kulay dilaw ang balahibo. Ang kaibahan lang ay ang pulang apoy sa noo, mga pakpak, at buntot nito. Patuloy iyong sumasayaw sa bawat galaw ni Gluttony.

Naramdaman ni Solan ang nakapangliliit na tingin sa kanya ng maraming hunters. Puno ng kutya ang sinasabi ng mga ito tungkol sa kanyang guardian beast. Maging ang kalaban niyang ninja ay tinignan siya na para bang isa siyang malaking kahihiyan sa laban na ito. Nakaramdam siya ng pagka-inis.

Lumapit si Solan sa stage at kinausap ang nalilitong si Gluttony. Hindi nito naiintindihan ang tawanan ng mga hunters. Masaya ba ang mga ito na makita siya?

"Talunin mo kaagad ang kalaban mo."

"Chii~?" Talunin, chii~? Kumurap ang mga mata nito na puno ng kainosentehan.

"Patunayan mo sa kanila na malakas ka."

"Chii~?" Pero malakas naman talaga ako, chii~?

Tinitigan ni Solan ang nalilitong si Gluttony. Hindi niya alam kung bakit tumaas naman ang Intelligence nito pero kulang parin sa pag-intindi.

"Kapag natalo mo ang kalaban mo, bibigyan kita ng reward."

"Chii~!" Nang marinig ni Gluttony ang salitang 'reward', kaagad itong nabuhayan ng dugo. "Chii~!" Mananalo ako, chii~!

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon