Chapter Six

15K 945 89
                                    

Chapter Six


"Sa wakas, nakauwi rin tayo," sabi ng Mama ni Solan pagkapasok nila ng bahay. Dala nito ang mga gamit na dinala nila sa ospital.

Hawak ni Solan ang kamay ng kapatid na si Vivian habang may sinisipsip itong choco drink sa isang juice box. Nagising ito sa mismong araw na sumalakay ang mga devil rats. Nagising na rin ang iba pang na-comatose dahil sa virus. Under observation pa ang ilan sa mga ito. Hindi parin matukoy ng mga doktor kung bakit sila na-coma o ano ang epekto nito sa katawan nila.

"Magluluto muna ako para makakain na tayo," sabi ng kanyang Mama saka pumunta sa kusina.

Kaagad namang umupo si Vivian sa harap ng telebisyon nila upang manood. Ngunit wala itong ibang laman kung hindi ang balita tungkol sa mga mutated rats at kung gaano karaming tao ang namatay.

Hindi pa tuluyang napapatay ng mga pulis at militar ang mga daga. Napakaraming nagkalat sa kanilang bansa at maraming pwedeng pagtaguan.

Katulad ng naunang report, sa north ulit nangyari ang trahedya samantalang nananatiling ligtas ang southern part ng bansa.

Tumunog ang telepono at kaagad iyong sinagot ni Solan.

"Hello?"

[Solan, ako 'to si Savanah.]

"Savanah, ano'ng meron?"

[Tumawag lang ako bago kami umalis.]

"Aalis kayo? Saan kayo pupunta?"

[Sa bahay ng kapatid ni Mama sa south. Doon muna kami pansamantala habang hindi pa naaayos ang lahat dito. Mas ligtas kami roon.]

"...mas magiging ligtas nga kayo roon."

[Tatawagan kita kapag nandoon na kami.]

Ibinaba ni Solan ang telepono matapos magpaalam. Nang araw ding iyon, tumawag din sa kanya sina Kyra at Alexi. Katulad ni Savanah, aalis din sila.

[Kayo, Solan? Meron ba kayong balak na umalis?] ang tanong ni Alexi sa kanya.

Nakagat ni Solan ang ibabang labi niya. Hindi niya alam pero may pakiramdam siya na kahit lumipat sila ng bahay ay hindi parin sila magiging ligtas.

"Hindi pa namin napag-uusapan ni mama."

[Mabuti pa ay umalis kayo nang maaga katulad namin. Siguradong magsisimula na ang evacuation, baka maipit kayo at mahirapan na makaalis. Ang sabi ni Papa, sinabi sa kanya ni Ninong na nag-umpisa nang umalis ang pamilya ng mga politicians papunta sa South. Siguradong ia-announce na nila ang evacuation.]

Nagulat si Solan dahil sa balita. Iiwan nila ang north? Sino na ang papatay sa mga mutated rats? Ano ang mangyayari sa cities na nasa north?

Makalipas ang dalawang araw, nagpahayag ng evacuation procedure ang gobyerno. Ang target nila ay south kung saan walang kaguluhan.

Katulad ng sabi ni Alexi, marami ang naipit sa traffic at hindi makaalis. Marami ang nakapila sa mga bus terminal. Naging tulugan na rin ng napakaraming tao ang mga airports.

Kahit na umalis sila ngayon, hindi rin sigurado kung kailan sila makakaalis. Ang city kung saan nakatira ang pamilya ni Solan ay nasa bandang border. Hindi ganoon kaligtas ngunit hindi rin ganoon kasama ang kanilang pwesto.

Makalipas ang isang araw, dumating ang maraming trucks sa city nila.

"Solan," tawag ng kanyang ina sa kanya.

"Po, Ma?" sagot niya habang nagva-vacuum sa kwarto. In-off niya ang vacuum cleaner at bumaba sa hagdan.

"Solan, may magandang balita," nakangiting sabi nito. Ibinigay nito sa kanya ang hawak na flyer.

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon