Chapter Fifteen

12.4K 888 101
                                    

Chapter Fifteen


[DING!]

[Your Daily Quest has arrived!]

[Kill 1 Sly Snake]

Pagmulat ng mga mata ni Solan ay ito kaagad ang bumati sa kanya. Isang sly snake lang ang kailangan niyang patayin ngayong araw. Siguro ay maliit lang ang populasyon nila kaya ganoon.

Nang umaga rin na iyon ay nagpaalam siya sa kanyang ina na aalis. Kaagad naman siyang pinayagan nito.

Ang problema nalang ni Solan ay kung paano siya makakalabas ng base. At kung paano niya matatakasan ang kanyang stalker.

Nang makapagbihis siya, pumunta siya sa bahay ni Janet.

"Solan, napadalaw ka. Pasok ka."

"Salamat."

"May gusto ka bang inumin?"

"Wala. Aalis din ako kaagad."

"Hi, Solan-girl!" bati sa kanya ni Jessie.

Nagulat si Solan nang makita ito roon.

"Upo ka, hwag kang mahiya," sabi sa kanya nito na parang nasa sariling bahay.

Umupo si Solan sa sofa.

"Kumusta? Ano ang pakay mo, Solan?" tanong ni Janet na naglagay ng isa pang baso ng tubig sa lamesa.

"May napansin ba kayo na sumusunod sa inyo nitong mga nakaraang araw?" tanong niya.

"Ikaw din?"

"Kung ganon may stalker ka rin pala, Solan-girl."

Natahimik ang dalawa sandali.

"Sa tingin ko, dahil ito sa pagkawala ni Mike," ang sabi ni Janet.

"Me thinks so too."

"Ang ipinagtataka ko lang, bakit nila tayo pinaghihinalaan na may kinalaman sa pagkawala ni Mike? Isang awakened si Mike. Wala tayong laban sa kanya kahit na magtulungan pa tayong lahat."

"Hay. Nai-stress ang beauty ko sa kanila."

Hindi. Napaisip si Solan. Siguro ay wala itong kinalaman kay Mike. Maaaring mas may kinalaman ito sa kanya. Ang malaking palaisipan ay kung paano sila nakabalik sa base nang ligtas.

"Janet, may pwede ba akong ibang daanan dito palabas?" tanong ni Solan.

"Ah. Meron akong pintuan sa kusina."

***

Sa tulong ng agility at anklet, tagumpay na nakalabas si Solan ng base. Mabilis siyang naghanap ng mutated snake para sa kanyang daily quest. Nang makalayo siya sa base, tinawag niya ang kanyang pet.

"Deploy."

"Chii~!" Masiglang bumati si Gluttony sa kanya nang makalabas ito mula sa resting space.

Nang malaglag sa ere ang sisiw, sinalo ito ni Solan at niyakap. Nasa tatlong kilo ang bigat ni Gluttony. Nagtataka talaga si Solan kung ano ang nangyari sa kinain nitong ahas.

"Chii~!" Masayang tumingala sa amo nito ang sisiw.

Nang makita ni Solan ang itim at inosente nitong mga mata na nakatingin sa kanya, medyo nakaramdam siya ng guilt sa sasabihin dito.

"Gluttony, tandaan mo ang bilin ko sa'yo, hwag mong kakainin ang ahas na papatayin ko. Sa akin iyon, okay?"

"Chii~? Chii..." malungkot itong sumagot.

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon