Chapter Twelve

12.5K 825 56
                                    

Chapter Twelve


Gamit ang dalawang jeepneys, umalis ang grupo na kinabibilangan ni Solan palabas ng base. Mayroon silang fifteen members na may iba't ibang edad, anim lang ang babae sa grupo. Ang leader ng team ay si Mike na isang B rank awakened. Isa itong middle aged man na may malaking katawan. May kasama itong dalawang magandang babae sa magkabilang gilid nito.

Ang pinaka-batang myembro ng team ay ang siyam na taong gulang na si Kitty. May hawak itong bakal na tubo bilang armas. Kasama nito ang ina na mayroon ding kaparehas na hawak.

Tumagal ng halos isang oras ang kanilang byahe bago sila huminto sa isang supermarket. Tumingin tingin muna sa paligid ang mga tao bago sila bumaba.

"Kalahating oras sa loob, walang labis na minuto. Kapag hindi kayo bumalik sa loob ng kalahating oras, iiwanan namin kayo," ang sabi ni Mike sa mga kasama.

"Teka, maghihiwalay tayo?" tanong ni Janet. "Ang akala ko ba ay poprotektahan mo ang team?"

"Sabay tayong lahat na papasok pero kung gusto ninyong humiwalay sa loob, kayo na ang bahala. Mayroong tatlong palapag ang supermarket at marami kayong maaaring makuha roon. Sumigaw kayo kung may makita kayong mutated rats."

"Mike, yung pinangako mo," sabi ng babae sa kaliwa ni Mike.

"Oo nga, hwag mo'ng kalimutan," sabi ng babae na nasa kanan.

"Hwag kayong mag-alala. Siguradong maraming naghihintay na magagandang damit para sa inyong dalawa," nakangiting sagot ni Mike saka hinaplos ang baywang ng dalawang babae.

Tumawa naman ang dalawang babae sa ginawa nito.

Umiwas ng tingin si Janet at lumapit kay Solan.

"Hi, ako nga pala si Janet. Ikaw?"

"Solan."

Sa totoo lang ay niyaya lang niya si Solan upang dumami ang kanilang grupo. Tinignan niya ang suot nitong pink na tshirt, maong shorts na hanggang tuhod, at puting sandals. Sa balikat nito nakasukbit ang isang net bag na may laman na saging.

Kahit saang anggulo mo tignan, hindi ito kabilang sa grupo nila. Mukhang pupunta lang ito sa palengke upang mamili. Nakaramdam ng guilt si Janet kaya naman napagdesisyunan niyang samahan ito.

Hawak niya ang kanyang lumang baseball bat na gamit niya noon sa highschool. Malaki ang tiwala niya sa sarili na kayang niyang makapatay ng devil rats. Mga daga parin naman ang mga ito.

"Okay lang ba kung sumali kami sa inyo?" tanong ng isang babae. Kasama nito ang batang anak. "Lucy ang pangalan ko, ito naman si Kitty, anak ko."

"Solan po."

"Janet po, welcome po kayo sa grupo."

"Salamat."

"Ahahay, wait for me girls. Pasali rin ang dyosa!" Kumekembot na lumapit sa kanila ang isang lalaki na may floral shirt, nakatuck-in iyon sa black pants na may pink belt. "Ako si Jessica. Jessica Albatros. Call me Jessie or Goddess, same same lang naman 'yon."

"Jessica ba talaga ang totoo mo'ng pangalan o Jestoni?" tukso ni Janet.

"Ahay, you're so bad, ha?" Pabirong hinampas nito ang babae gamit ang mapilantik na mga daliri.

"Tara na," aya ni Solan sa grupo nang makita na naglalakad na papasok ng supermarket ang mga lalaki.

Karamihan sa mga lalaki ay may hawak na mga itak katulad ni Mike. Naunang pumasok ang mga ito sa loob.

"Kyaah! May mga daga!" sigaw ng isang babae na kasama ni Mike.

"Tahimik!" utos ni Mike saka nauna upang tagain ang mga ito.

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon