uno

1.1K 23 2
                                    

- Hindi ko alam kung bakit ako ganito ngayon pero... I feel something strange whenever I'm with her. I shouldn't. Help me.
4/8/18

- Bumilis na naman tibok ng puso ko noong lumapit siya, I mean malamang lalapit siya sa akin kasi magkaibigan kami pero... Hays ewan.
4/20/18

- Todo papansin ako sa kanya, ewan ko ba. Gusto ko nasa akin ang atensyon niya. I became the happiest person kapag napapangiti ko siya.
4/24/18

-Nahawakan ko kamay niya! Hindi ko malaman kung bakit ganito ako kasaya ngayon basta ang alam ko, nakangiti ako habang isinusulat ito.
4/27/18


- "Ako, jowa nito." Narinig ko iyon, galing sa bibig niya habang nakangiti siya sa akin. Anung gusto niyang iparating? Teka bakit ako namumula? Joker talaga 'tong si Yumi.
4/30/18

-Magkasama na naman sila, magkatabi na naman sila. Napapangiti na naman siya. Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Ito ba yung... Selos? 5/4/18

-Hindi kami nagpapansinan, nagtampo ako kasi laging si... na lang ang pinapansin niya. Alam ko namang crush niya iyon e. Oo, nagseselos ako kasi... Siguro siguro gusto ko siya pero kaibigan ko siya.
5/13/18


- Namimiss ko na siya... Ilang araw na kaming hindi nag-uusap. Sa mga araw na yun, narealize ko na... Gusto ko nga siya hindi lang bilang kaibigan, bilang siya. Bilang si Yumi pero kasi, kaibigan ko siya at straight siya. Crush niya pa yung tropa ko. Kailangan ko sigurong umiwas muna at pahupain itong nararamdaman ko. 5/23/18

...

Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora