40

463 13 0
                                    

Ayumi Furukawa
• active now

Jaycel:
Bb, Nasaan ka na? Nasa gate na ako.

Ayumi:
Okay, pasakay na ako.

Jaycel:
Can't wait to see you. Ingat ka.

Ayumi:
Opo.

8:27 am

Ayumi:
Nandito na ako, saan ka banda?

Jaycel:
Nakatayo malapit sa guard.

Ayumi:
Kita na kita. Lalapit na ako.

...

Jaycel decided to bring her girlfriend sa museum since matagal na silang nagbabalak para bisitahin ito.

"Miss, bawal pong hawakan yung mga display pero pwede pong hawakan yung kamay ng kasama niyo." Parehas silang namula sa paaalalang iyon ng staff. Hindi naman mapigilan ni Jaycel na lumapit sa kasintahan at asarin ito.

"Pwede raw hawakan yung kamay ng kasama. Paano ba iyan?" Kinurot naman siya ni Yumi saka nauna nang maglakad.

Nakasunod lang naman si Jaycel sa likod ng kasintahan habang pinagmamasdan nila ang magagandang paintings, panaka-naka ay nagbibigay siya ng trivia tungkol sa mga nakaDisplay.

"Pwede ka ng curator." Ngumiti naman siya saka pasimpleng inakbayan ang dalaga. Bahagya siyang nagulat nang tanggalin ito ni Ayumi.

"Bakit?" Takang tanong niya

"Nakakailang kasi, maraming tao." Napatango na lamang siya sa sinabi nito. May kung anung kumirot sa puso niya sa ginawa ng dalaga.

"Okay ka lang?" Tanong ni Yumi ng mapansin na tahimik ang kasintahan.

"Oo, na-amazed lang ako sa mga paintings." Akmang hahawakan niya ang kamay nito para ayain sa ibang gallery ng umiwas si Yumi.

"Jaycel please, wag dito." Bulong nito saka iniwan siya para tignan yung isang paintings. Napabuntong hininga naman ito at muli ay kumirot ang puso niya.

"Ikinahihiya mo ba ako?" Mahinang bulong niya sa sarili.

...

Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Where stories live. Discover now