etneb

562 17 1
                                    

Ayumi Furukawa

Wru?

Hindi ko rin alam pero sinunod ko naman yung mga sinabi mo.

Tagal mo

Miss na miss ako, grabe.

Tsk! Baliw mamaya naligaw ka na.

Nasaan ka na ba?

Hindi ko rin alam pero marami na akong nadaanan. Pa-Baguio na ata ako.

Geh sabi mo e.

Sungit. Hilain ko tainga mo mamaya!

Malapit na ako diyan, familiar na yung area.

Geh.

Gago, antayin mo ako sa kanto.

......

May tumigil na tricycle sa harapan ko at alam kong siya na iyon. I couldn't help to smile habang nakatingin sa kanya na bitbit yung gamit niya. Ayumi smiled widely saka tumakbo palapit sa akin. Mabilis ko namang kinuha yung mga gamit niya.

"I told you, mapupuntahan rin kita." Tumango lang naman ako at hindi ipinahalata ang pamumula ng aking pisngi dahil sa pagkakatitig ko sa kanya.

"Miss ka na ng ampon mo, Ma." I joked, namumula naman siyang nagmano sa mama ko kung saan itinuro kami sa 2nd floor para ilagay ang gamit niya.

"Napagod ka anu? Kulit mo kasi sinabing hintayin na lang ako."

"Namiss kita e." Then she pouted her lips, napabuntong hininga naman ako. I know for sure that Ayumi is not dumb para marealize yung mga nangyari noong nag-inom kami o yung mga pag-iwas ko to save my heart and it made me question everything na ginagawa niya. Iyong kinikilos niya na para bang sinasampal sa akin ang motibo niya pero ayaw naman panindigan.

'Bakit ka pa-fall tapos hindi naman ako sasaluhin?' I thought habang nakatitig sa kanya na nag-aayos ng gamit.

"Aray ko!" Reklamo ko noong batuhin niya ako, then I saw a panda keychain sa sahig.

"Hindi ka marunong mag-abot?"

"Nakatitig ka kasi, iisipin ko na talagang whipped ka sa akin." Sinamaan ko naman siya ng tingin. 'How can you manage to say that without being rattled?'

"Anung gagawin natin rito?" Tanong ko dahil sa biglaang pagpunta niya.

"Ikaw anu bang gusto mong gawin?" Nakangisi niyang sambit and I swear, mukha akong kamatis sa harapan niya.

"Movie marathon na lang, unless gusto mong..."

"Mong?" Pagbabalik niyang tanong.

"Magbantay ng tindahan namin." Inirapan niya ako.

"Umalis nga ako sa dorm para gumala tapos pagbabantayin mo ako. Wala namang sweldo!" Bumulalas ako ng tawa saka kinuha yung laptop ko.

"Edi wag. Mamili ka na ng movie, kukuha lang ako ng pagkain sa baba."

~~~~~~~

"Gusto ko ng balot." Bulong nito.

"Gusto ka ba?"

"Gusto mo ako." Natigilan ako sa narinig ko, ang lakas lakas ng kabog ng puso ko. Punyeta naman, Ayumi! Anu bang gusto mo?

"Tara na, may nagtitinda ata sa labas." Yaya ko sa kanya na parang hindi narinig yung mga sinabi niya.

"Hihintayin kita sa baba." Paalam ko habang pinapanatag ang nagwawala kong puso.

Nagsimula na kaming maghanap, hindi naman masyadong madali dahil kakaunti na lang ang nagtitinda noon.

"Ang lamig." Bulong niya, hindi ko naman alam kung anung pumasok sa isip ko at kinuha ang kamay niya. Siguro naniniwala akong body contact gives you a heat or masyado lang akong pokpok at gustong chumansing sa kanya. Nonetheless, hindi naman inalis ni Ayumi ang pagkakahawak ko sa kamay niya na nagpainit ng pisngi ko. I took a glance on her.

'Anu ba talagang nasa isip mo, Ayumi? Anu ba 'tong ginagawa mo?'

Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon