nueve

619 16 0
                                    

Ayumi Furukawa (online)

Hoy.

Jaycel.

Jaycel Ann

Jeycel.

Jayce.

Jayceeel.

Ay ang sad, hindi nagrereply.

Sorry na.

Hindi ko naman alam e.

Sorry naaaa

Sorry na pwede ba, dahil ako'y medyo tanga 🎶

Baby, Miss na kita.


Oh?

Ay pota bakit nagsakto doon? Mamaya kung anung isipin niya|

Hindi ko na kaya. Sobrang saya ko na tayo'y muling magkikita.

Ayumi.

Tangina, lyric prank. Akala mo ha Jaycel Ann!|

Baby ako ay pauwi na.

Ayumi anu ba!

Gigil mo ako, akala ko ako na ang baby mo!|

Ay sorry! Nagreply ka na pala.
(Seen)

Jaycel.

Anu?

Galet, usto manaket?

Nasaktan mo na ako|

Bakit ka ba nagcha-chat?

Sorry na, tampo ka pa rin.
(Seen)

Hala, hindi na naman nagreply.

Sorry na sa sabi, hindi ko naman alam na hindi matutuloy yung pagpunta namin sa Quezon. Sana sumama na lang ako dyan.

Anu pa bang magagawa ko, nandito na kami.

Sama ako next time, promise.

Huwag kang mag-promise kung hindi mo naman tutuparin.

Jaycel naman. Mag-usap naman tayo.

May sasabihin ka pa ba? May tinatapos kasi kami rito. Mahirap rin yung signal.

Ito naman tampo ng malala. Babawi ako sayo.

Huwag na, Ayumi.

Ayoko nang umasa pa|

Libre kitang donuts.

Ayumi.

Dali naaaa. Pagbalik mo rito.
(Seen)

Bati na tayo ah.

Oo na, oo na. Matulog ka na nga!

Maya sasabayan kita.

Ayumi.

Manonood akong k-drama habang hinihintay kang matapos diyan.

Ayumi naman, marupok ako!|

Bahala ka.

Gagalingan mo diyan. 😚

What the fck|

Ay maling emoji, ganito dapat. 😉

Ah okay|

Sige na. Tatapusin ko na 'to. I'll chat you later.

😘|
Ulul rupuk mo, Delos Reyes.|

Okay, hintayin ko chat mo. IbaBlock kita kapag wala.

Sinong tinakot mo?

Subukan mo lang.

Pota, bakit naman ako natakot sa banta nito.|

Okay.

Gago, sige na. Tapusin mo na yung ginagawa mo nang makatulog tayo ng maaga.

Geh.

....

"Tangina ngiting aso ka ah." Pang-aasar sa akin ni Vanie. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"May jowa na ata iyan e." Pang-aasar ni A. Na siyang ginatungan naman ng iba.

"Impossible, loyal yan kay..." Pinanlakihan ko ng mata si Vanie, kulang na lang batuhin ko siya ng dyaryo.

"Ang harot-harot! Sana all." Pang-aasar ni Blue. Hindi ko naman siya pinansin bagkus ay tinuloy ko yung ginagawa ko.

"Ay oh! Mag-usap raw kayo ng bebe mo! Bakit naman ganun, iniwan sa ere." Nanlaki yung mata ko noong makita kong hawak na pala ni Vanie yung phone ko at pinapakialaman yung messages. Mabilis ko naman itong inagaw sa kanya. Sarap talagang batukan ng babaeng 'to.

"Ayun! Harot muna bago thesis." Pang-aasar ni Caloy.

"Lande bago Laude." Dagdag naman ni Aly.

"Sana all may bebe. How to be you po?" Sabat naman ni Blue. Namumula akong nagpatuloy sa ginagawa ko. Pahamak talaga itong Gandler na 'to. Sarap wisikan ng alcohol.

"For the sake of your lovelife, Jaycel ay okay lang kahit unahin mo yung bebe mo, kami na tatapos rito." Pang-aasar ni Vanie. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Thesis muna hangal." Sagot ko dahilan para magtawanan sila. Pinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko para matapos na ako kaagad.

'mamaya talaga tatakpan ko ng unan sa mukha si Vanie.'

......

Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Where stories live. Discover now